Special Chapter #2

61 1 0
                                    


GUSTAVA'S POV


Mahirap mamuhay sa mundong kontrolado ka ng mga nakatataas. 


Una pa lang, alam kong nakatali na ang puso ko sa isang bampirang walang awang pumapatay at hindi titigil hangga't  hindi ako pumapayag sa kagustuhan niya.


Sa murang edad, nagsilang ako ng tatlong lalaki para sa ikasasaya niya at nagdulot naman ito ng delubyo sa katauhan ko.


Ang magkaroon ng imortal sa puso ay hindi biro, lalo na kung ikaw ang pilit na gustong makuha. 


"Alice, ikaw na ang bahala sa puso ko, gusto kong maging malaya," naawa ako sa mangkukulam na kaharap kong bulag at kasisilang lamang ng anak niya sa asawa ko.


"Gustava, hindi mo na kailangang--"


"Ibibigay ko rin sa iyo ang mata ko upang mapangalagaan mo siya. Mahirap na pareho kayong nangangapa sa dilim ng anak mo kaya huwag mo na akong pigilan pa," desidido kong ibinigay ang dalawang parte ng katawan ko at nagpakalayo-layo.


Masasabing isa na akong buhay na walang puso. Mahika na lamang ang nagpapatakbo sa sistema ko at alam kong hindi ito tatagal.


Dinala ako ng mga paa ko kung saan at wala akong ideya kung sinong nakabangga ko.



"Ayos ka lang?" tinig ng lalaki ang narinig ko at inalalayan niya akong makatayo. Naglalakad kasi ako sa kawalan at hinayaang mangyari kung ano man ang mangyayari.



"Oo, pasensiya ka na at bulag ako. Salamat!" nakaramdam ako ng init sa mga palad niya nang dumampi ito sa balat ko. Hindi magtatagal ay makalilimutan din naman ako ng taong ito kung sino man siya.



Hindi na siya nagsalita pa at naramdaman kong napatagal ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil lang pilit na niyang inaalis ito. Nahiya tuloy ako at gusto kong maglaho.



Nagtatakbo at nakarinig ng ingay mula sa malayo. Sinundan ko ang tunog na ito at sa halip na magdiwang ako ay isang matulis na sibat ang natamo ko kaya naman napaupo ako sa sakit.



Lalong nag-ingay ang mga nilalang at nasa ere na ako bago pa ako makapalag. Hindi ako makagamit ng mahika dahil mawawalan ako ng buhay sa oras na konsumahin ko ang lahat ng ito.



Nagpadala na lamang ako at napagtanto kong nakagapos ako sa isang puno. May lagablab ng init sa harapan ko at siguro ay nasa tapat ko ang isang apoy. 



"Maganda ang nilalang na nakuha natin. Dapat na ba siyang patayin?" nakaaantok ang mga boses nila kaya napapapikit ako oras-oras. Lalong humahapdi ang sugat kong natamo dahil sa hunab ng apoy. Napalunok na lang ako para tiisin ito.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon