IKADALAWAMPU'T-TATLO

59 7 0
                                    

[DALAWAMPU'T-TATLO]

ESTER'S POV

Hindi pa rin maalis sa utak ko kung paano niya ako tingnan nang masama. Ano na naman bang ginawa ko?

"So fast, grabe. So fast," napahilamos sa mukha si Argus sa sinabi ko.

"Anong so fast?" sumahod ako ng tubig para uminom habang hinihintay ang tugon niya sa tanong ko.

Nag-alinlangan pa siyang tumingin sa akin bago sunagot. "Nakita mo lang, parang wala na ako rito," ngumisi pa siya at ininuman ang basong ininuman ko.

Natanga ako sa sinabi niya at dinepensahan ang sarili ko. "Nagulat lang ako, ang lakas kasi ng loob na magpakita pagkatapos ng ginawa niya,"

Hindi pa rin naalis ang tingin sa akin ni Argus kaya inagaw ko na lang sa kanya ang baso para matinag siya.

Napatikom ang bibig niya at yumuyugyog ang mga balikat. Tila gustong umalpas ng tawa niya pero pinipigilan niya. "Hindi naman required na mag-explain, bakit nagrespond ka pa?"

Napakurap naman ako at napahawak sa baba ko. Kinilatis ko kung may masama ba sa ginawa ko pero wala naman.

"Kasi naman, 'yang--" naisip kong huwag na lang ituloy dahil baka lumaki ang ulo niya.

"Ano?"

Kasalukuyan akong nakatalikod at nagbabalat ng saging.

Pinili kong i-zipper ang bibig ko para tangayin ng hangin ang pinag-usapan namin at para makalimutan niya.

Tumabi siya sa may kanang bahagi ko at parang unggoy na dumekwat ng isang saging na talop na.

"Anong gagawin mo rito?" itinuro niya ang mga saging na natira. Parang may balak pa siyang kumuha kaya inilayo ko sa kanya ito ay inilipat sa kabilang ibayo, gawing kaliwa ko.

"Ipiprito," tipid ko na lang na sagot.

Napatangang tiningnan niya ako at napamura sa hangin.


"Saging? Ipiprito?!" parang batang sabi niya at napahawak sa ulo niyang siraulo naman.

"Oo, patatas at kamote nga, napiprito," banong-bano si tuga at napalunok.

Sumimangot siya at inilayo ang sarili sa ginagawa ko.

Parang takam na takam siya. Sana humingi na lang siya ulit 'di ba? Hindi naman ako nangangagat ng kapwa bampira.

Ipinirito ko na ang saging at pinapak ko ito magdamag habang hinihintay si Neivi na bumalik. Wala na naman akong balita kung saan siya napapadpad.

Wala na rin naman si Argus nang matapos akong magluto. Buti na lang at wala akong kaagaw.

"Ester...si Argon," nasa gilid ko na agad siya at nangangatal na kinakagat ang mga kuko niya.

"Bakit? Saan ka galing?" nag-aalalang tanong ko sa kanya at parang napagod siya.

Sinimulan niyang magkwento sa akin at nalaglag ang huling piraso ng pritong saging sa kamay ko sa sinabi niya.

--

THIRD PERSON POV

"She's already there," yukong panimula ng traydor na assassin.

Lumapit ang buhay na bampira at kinilatis ang nasa harapan niya bago magpatuloy. "Are you sure that she's the bitch?"

Seryosong tumayo naman si Argon at tumugon. "Yes. The blind one."

Huminga nang malalim ang traydor at naghihintay na paalisin siya ng bampira.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon