[IKALABING-SIYAM]
THIRD PERSON POV
Nagdilim na nang tuluyan ang paningin ni Ester nang mapagtantong hindi na humihinga ang kanyang ina at sumigaw ng napakalakas kaya tumalsik ang tatlo niyang kapatid at ang iba pang nagtangkang lumapit sa kanila.
Sinugod niya ang sumaksak sa Ina niya at parang halimaw na pinagsasaksak ang bampirang ito.
"ANONG UTAK MAYROON KA AT PINATAY MO ANG TAONG KAISA-ISANG NAGMAHAL SA'YO?!" singhal niya at gigil sa ama niyang naghihingalo na at sumusuka ng dugo.
"Ack! Ack!" mga tunog na lumabas sa bibig ng ama niya ngunit nakangiti pa rin ito.
Biglang natigilan si Ester sa pagiging mabangis at agresibo niya nang makita ang sarili niya sa salamin na puro dugo ang damit at ang halos buo niyang katawan.
Nawala bigla ang pulang mata, mga pakpak at bumalik siya sa dating anyo maging ang puti niyang buhok.
Napatingin siyang muli sa nakahandusay na katawan at alam niyang sumobra siya at hindi na nakontrol ang sarili niya.
Napahawak siya sa mukha at parang talon ang biglang pagragasa ng mapapait na tubig sa mukha niya dahil sa nalaman niyang nagawa niya.
Sinubukan niyang isalba muli ang Ina na katabi lang halos ng kanyang Ama. Naisip niyang baka kayang isalba ang kanyang Ina gamit ang imortal na puso na hinahanap ng lahat.
Binuhat niya ang katawan ng Ina at napansing tahimik ang paligid. Napuno ng dugo ang silid kung saan sila ikinasal at puro nakahandusay na mga assassins at witches. Kakaunti ang nakita niyang bampira at nanlumo siya nang makitang naliligo na rin sa sariling dugo ang sana'y makatutulong sa kanya.
"C-Clara..." nanginginig niyang pinulot ang maliit nitong katawan kasama ang fairy ng Ina na si Neivi.
Nabuhayan siya ng kaunti nang gumalaw si Neivi at agad na nilapitan si Clara.
Lumingon ito at humikbi kay Ester. Umiling-iling ito at nawasak na lalo ang kanyang puso sa sakit.
Nanghihinang yumakap si Neivi kay Ester at inalo siya habang sabay silang tumatangis.
Nanginig sa takot si Neivi nang makakita siya ng espadang puro dugo sa pag-aakalang ito ang tatapos sa kanilang dalawa ni Ester ngunit hindi siya makapaniwalang isang yakap na mahigpit ang ibinigay nito sa kanila.
Kapwa sila naestatwa sa kinauupuan nila dahil sa taong ito.
Pinilit ni Ester na kumawala sa yakap kahit alam niya kung sino ito.
"Hindi ko kailangan ng awa mo ngayon," malamig na sabi niya kay Argus at nakita niyang naglaho na rin ang katawan ni Clara.
Sumakay siya sa magic broomstick at hinangad na makalayo sa palasyo upang maibunton ang lahat ng galit at hinanakit. Tila nangangati ang kanyang mga kamay at gusto niyang makapatay pa.
Narating niya ang dati nilang napuntahan na tahanan ng mga hayop.
Dito siya sumigaw nang napakalakas at dumagungdong ito, dahilan kaya nagsilabasan ang mga nananahimik na hayop at lahat ay nakatingin sa kanya.
Tinanggal niya ang koronang nakasuot sa ulo niya at itinapon ito kung saan. Sinira niya ang damit sa ibabang bahagi na sagabal sa paglalakad niya dahil sa sobrang haba at ginamit ang natitirang mahika upang makalikha ng panibago niyang toreng mas mataas pa sa tinitirahan niya noon.
Napaluhod na lamang siya dahil ubos na pala ang mahika sa katawan niya at napaluha. Dala marahil ng kawalan ng pag-asa.
Isa-isang lumapit ang mga hayop na
may mga dalang makukulay na bato, matitibay na kahoy mula sa puno at mga dahon. Mayroon ding mga nagbigay ng prutas kaya labis ang kanyang pagtangis ngunit namayani pa rin sa loob niya ang kalungkutan dahil sa mga nasawi.
BINABASA MO ANG
Core of Est | A Vampire Novel
VampireEster, the daughter of Dracula the Vampire and Alice the Witch, is the only one gifted with Immortality. In a world full of Assassins, Witches and Werewolves, her tower serves as her safe haven but the attackers are so persistent. Things will become...