ESTER'S POV
Panibagong araw, panibagong mga pakana na naman ang kailangan kong paghandaan.
Hindi lang naman kasi si Argon ang sumusugod sa tore ko. May mga halimaw din gaya ng iba pang mga mangkukulam, mga bampira, at iba pang naghahangad na maging imortal gaya ko. Ang mga hayop ang nagsisilbing mga kaibigan ko rito kaya ngayon, nagdesisyon akong lumbas at magsaya sa ilalim ng mainit na araw.
Hindi ko man nakikita ay ramdam kong matatalim ang tingin sa akin ng ibang bampira na nasa labas.
"Is that 'the great bastard' of King Dracula?"
"Yeah, I heard she's blind. Serves her right!"
"I can't imagine that Prince Jovan will marry her. He's out of his mind, I guess."
Mga chismosang 'to. Bulag lang naman ako pero mas malakas pa ang pandinig ko kaysa sa inyo! Kagigising ko lang baka makapatay na ako. Talsikan ko sila ng venom ko e. Try ko kayang magsuka rito?
May lumapit sa akin na isang ibon at kinapa ko kung ano ang katawan nito. Halos mabasag ang puso ko dahil wala na ang isang pakpak nito at nag-isip ako kung paano nangyari ito o sino ang gumawa nito.
"Poor bird, it is now flightless," hindi nakaligtas ang boses na iyon at alam kong isa ito sa mga nagchichismisan kanina kaya naman kumaripas ako ng takbo at hinagip ang leeg ng nagsalitang iyon.
"L-Lady Ester!" nanlalaban niyang sabi ngunit may hinigpitan ko pa ang hawak sa leeg niya at itinaas siya.
Nanggagalaiti ako sa sa galit. Hindi ko matanggap kung bakit nila sinasaktan ang mga kaibigan ko gayong hindi namin sila inaano nito.
"Your majesty, let her go—"
"Shut up! You called me 'your majesty' but you two are talking behind my back!" sigaw ko sa kanila. Ang dapat sa mga ito, ipinapalapa sa lion. Mas masahol pa sila sa isda.
"I-I'm sorry, Lady." Ani muli ng bampirang sinasakal ko ngayon.
Matapos ko siyang bitawan ay naramdaman kong gumagalaw ang munting ibon sa aking kamay at pinagaling ko muna ito gamit ang mahika. Napakaraming dugo ang nawala sa kawawang ito kaya halos maubos ang enerhiya ko. Kailangan kong kumain ng marami maya-maya.
"Twit-twit!" tinuka-tuka ng maliit na ibon ang kamay ko at inihampas ang pakpak na napagaling ko sa mga palad ko. Siguro ay masayang-masaya ito dahil gumaling na siya at naramdaman kong nawala na ito sa akin.
Habang naglalakad ako't nasisinagan ng araw ay may narinig akong tunog ng isang hayop. Mukhang papunta ito sa aking direksyon.
Saglit akong huminto. Pinakiramdaman ko muna kung ano ito at napagkamalan kong isa itong ahas na makamandag!
"Hiss!" pinili kong hindi umalis sa aking pagkakatayo dahil baka lalo akong hagarin nito sa oras na ako ay tumakbo.
Huminga ako ng malalim at sinalat ang katawan nito habang nililingkis ng katawan nito ang katawan ko. Mukha namang wala itong problema kaya nagtaka ako. Nanlaki ang mga mata ko na nasa pinakabuntot nito ang isang kutsilyo at noong tanggalin ko ito ay sinunggaban ng ahas ang aking mukha pero nahawakan ko kaagad ang ulo nito at piniga ang venom na nasa loob niya.
Tuwang-tuwa ako dahil mayroon na akong instant na bitamina. Matapos kong ipunin ang venom at sinalo ito gamit ang aking mga kamay ay kaagad kong ininom ito.
"Ang sarap!" hindi ko mapigilang sabi ngunit pabulong ko lang ito na ginawa.
Pinagaling ko rin ang sugat ng ahas at lumayo na ito sa akin.
Napadpad ako sa isang madamong paligid kaya humilata ako upang damahin ang lambot ng mga ito kasama ang paghampa ng hangin. Sabi ni Mother Alice, kulay berde ang kulay ng mga damo. Sana, makita ko ang mga ito balang-araw. Puro kasi itim lang ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Core of Est | A Vampire Novel
VampirosEster, the daughter of Dracula the Vampire and Alice the Witch, is the only one gifted with Immortality. In a world full of Assassins, Witches and Werewolves, her tower serves as her safe haven but the attackers are so persistent. Things will become...