IKALABING-DALAWA

114 6 0
                                    

[THIRD PERSON POV]

Naiwan ang dalawang mag-utol na kapwa matatalim ang tinginan sa isa't isa.

Ngumisi ang mas matandang si Argon at nagsalita, "I marked her first, Argus," kumuha ito ng bato mula sa umaagos na tubig at pinaglaruan habamg nag-uusap sila.

Humalakhak naman ang bunsong kapatid nito at tumugon sa kuya niya, "But I am the last touch, Argon,"

Lalong nag-init ang dugo ng nakakatanda dahil hindi siya nito tinawag na kuya.

"Inutusan lang kita, pagbalik mo ay may baon ka pa, pangiti-ngiti ka pang gago ka," asik ni Argon sa kapatid nito.

Panay salita ang palitan nila at walang gumagalaw.

"Ano ka pa, kuya? Patayin lang ang utos nila, pagkaraan ng ilang araw ay inangkin mo na," ganting pabalik ni Argus.

Nagkatitigan muli sila at kapwa nagpatama ng mga matatalim na kutsiyo.

Rinig na rinig ang pagdidikit ng mga espada nila. Ang isa ay mahaba at may matulis na dulo na pagmamay-ari ng mas bata at ang isa naman ay maliit ngunit matalas at nakamamatay ang hawak ng mas matanda.

"Tigilan mo na siya, kuya. Nasasaktan din naman iyon at babae rin gaya ng minahal mo!" sinubukan ni Argus na kumbinsihin ang kuya niya habang naglalaban sila.

"Manahimik ka," tanging sambit ng utol niya sa kanya.

Bakas sa kanilang dalawa ang pagkamuhi sa isa't isa matapos ang mga nakaraang araw. Tila sila ay may kompetisyon.

"Ah, nakita mo siya kanina hindi ba? Paniguradong napako ang tingin mo dahil sa--" hindi naituloy ni Argus ang sasabihin niya nang sugatan siya ng kapatid niya.

Hindi siya nagpatalo at sinugatan niya rin ang kuya niya upang makaganti.

"Alam mo kung bakit ko pilit na pinapatay ang bampirang iyon," pagpapaalala ni Argon sa kalaban nito.

"Kuya, ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na ang patay ay hindi na dapat buhayin? Sa tingin mo ba ay matutuwa siya sa ginagawa mo?" naitulak ni Argus ang kapatid niya at ngayon ay nasa ibabaw siya, nakatarak ang patalim niya sa leeg ng kapatid niyang nakahandusay na sa lupa.

"Kung ikaw ang nasa katayuan ko, gagawin mo rin ang gagawin ko," itinulak niya ang bunso at napatama ang ulo nito sa malaking bato gaya ng nangyari sa babaeng bampira kanina.

"Mali ka kuya, hindi tayo parehas ng takbo ng utak," napahawak si Argus sa ulo niya at may napansing umaagos na dugo.

"Oo nga pala, makasarili lang ako tapos ikaw ignorante. Magkaiba nga naman," sabay kuha ng sandata at lumayo ito ng kaunti kay Argus.

"Suko ka na kuya? Mag-uumaga pa lang," nanghahamon pa ang mas bata sa kanyang kuya pero tinawanan lang siya nito.

"Bakit ako susuko kung alam kong talo ka na sa oras na ito?" tumingala si Argon at ngumisi dahil tinutukoy nito ang sinag ng araw na maaaring makapatay sa kapatid niyang purong bampira.

"Pasalamat ka, wala kang halong bampira," dagdag ni Argus sa kuya niya. Tumayo na siya at alam niyang hindi pa natatapos ang paghaharap nila ng kuya niya. Naniniwalang hindi pa ito ang huli.

"Ayokong maging uhaw sa dugo. Ingat na lang sila sa'yo," ito ang naging huling paalam ni Argon sa kapatid nito bago niya lisanin ang ilog.

Namahinga si Argus at tinuyo ang sarili bago siya bumalik sa kanilang kuta.

--

Humiga naman agad si Argon sa kanyang tulugan at pinagmasdan ang litrato ng kanyang minamahal. Hindi niya mapigilang manlumo sa nangyari kaya agad niya itong ibinalik sa kinalalagyan nito at ipinikit ang kanyang mga mata.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon