IKALABING-TATLO

106 7 0
                                    

ESTER'S POV

Itinulog ko ang pagdating namin ni Clara sa tore ko matapos naming manggaling sa Assassins' village. Gaya ng inaasahan, wala nang ibang umatake sa akin kaya naging payapa ang pahinga ko.

Hinanap-hanap ko ang bulaklak na kasing halimuyak ko raw sabi ni evil witch kaya ngayong kinagabiha'y pumuslit ulit kami at pinuntahan ang hardin.

Kasalukuyan kong hawak-hawak ang bulaklak ito at hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi.

"Shiz, hindi si Argus ang nagbigay niyan sa'yo remind lang kita," bulong pa sa akin ni Clara.

"Boses pa lang, magkaiba na sila kaya alam ko kahit hindi ko sila nakikita," ang sarap hawakan ng bulaklak na ito. Sayang at nag-iisa lang ito sa gardin. Balak ko pa sanang dumekwat.

"Nawiwili ka yata rito sa kuta namin," alam kong si Argon ito matapos niya akong tanungin tungkol sa hinahanap kong lilac na ibinigay niya pa sa akin.

Napakasalaw nga lang at isinubsob pa sa aking ilong at hindi man lang iniabot ng maayos.

"Bulaklak lang ang pakay ko rito," nangapa pa ako ng iba pa para mag-uwi. Kailangan ko pa ng dalawa pa.

May isa akong nahagip at nagulat nang makuha ko ito gayong hindi ko pa ito napipigtal.

"Itim," agad ko itong binitawan ito dahil sa sinabi niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Itim," agad ko itong binitawan ito dahil sa sinabi niya.

"Lanta na yata, hindi mo sa akin sinabi Clara," sinadya kong palabasin na wala akong pakialam kung nandito siya malapit sa akin.

Pero ang mga venom ko sa loob, parang nagdidiwang na.

"Hindi 'yan lanta, tanga," kunwari, wala akong narinig na pakisali sa usapan.

"Ang galing, may halong kulay pula. Pulutin mo!" narindi ako sa tinis ng boses ni Clara kaya tumungo ako upang kapain kung saan ito nalaglag.

Nadanggil na ng kamay ko ang tangkay ng bulaklak ngunit nang kapain ko ulit ito ay parang tumalsik kung saan.

"Nahawakan ko na, nawala pa," inis na sambit ko kaya nakalupagi pa rin ako rito sa lupa upang hanapin ito gamit ang aking kamay.

"Clara, baka gusto mong iabot sa akin para makatayo na ako," sarkastiko kong sabi sa kanya pero natagalan pa siya bago sumagot.

"K-kaya mo na 'yan, maghahanap pa ako ng ibang klaseng bulaklak," napakunot ang kilay ko dahil nautal pa siya sa pagkausap sa akin.

Mukha ba akong nakakatakot na nilalang? Hindi ko pa naman siya nakagat ever since so what's with the tone?

Napabuntong-hininga ako at gumapang na para mahanap pero sa tuwing mahahawakan ko na ang ibang parte ng bulaklak na ito ay mawawala ito sa pinagkapaan ko.

Kainis.

Nairita ako kaya tumayo na lang ako para humanap ng iba. Ayaw magpahuli e hayaan mo na.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon