ESTER'S POV
"Itulog mo na lang 'yan, Lady! Panglimang araw na ngayon allergic girl!" oo nga pala ikakasal na ako.
"I know," tamad at iritado akong nakipag-usap kay Clara the noisy.
"Palibhasa, harot ang nasa utak mo," segunda niya. Napakabulgar talaga.
"Paano mo naman nasabi?" nag-inat ako at pinasinagan ang katawan ko ng init ng araw.
"Gut feeling ko lang,"
Bumalik ako sa kama at walang pasabing sinira ang damit na suot ko. Napakainit sa katawan!
"Hindi mo naman sinabi sa akin na balak mo akong anuhin, Ester. Naghubad ka pa talaga sa harap ko," nayamot naman ako kaagad. Bakit ba ang bilis kong mairita nitong mga nakaraang araw?
Inilagay ko naman ang buhok ko sa unahan para matakluban ang buhok ko. Gawain ko na ito dahil aminado naman akong maliliit lang ang hinaharap ko.
Nakasuot naman ako ng underwear sa ibaba pero isang bistida kasi ang winasak ko kaya panty lang ang natira.
Gumalaw ako at naramdaman kong may tumulo. May kiliti at napaisip ako.
"Bakit basa ang ilalim ko?" puna ko at umalis sa pwesto ko.
"Nye, kaiisip mo yan sa magkapatid na assassin," hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagfocus sa nararamdan ko ngayon.
"Amuyin mo nga, Clara," madali lang ito para sa isang maliit na gaya niya.
"Baka naman napaihi ka lang," palusot niya.
"Dali na, maawa ka sa bulag," ginawa ko pang kaawa-awa ang sarili ko para lang pumayag siya.
Inalis ko ang kumot ko at tumayo. Bumaba ako ng higaan para makaalis sa pwesto ko at hindi ko matiis ang amoy.
"Ipikit ko muna mata ko tapos aamuyin ko para may thrill, baka kasi pag nakita ko e alam ko na agad," suhestiyon niya. Daming at-at gawin mo na lang!
"Whatever," tanging sagot ko. Nakaramdam ako ng sakit malapit sa tiyan ko. Nasaksak na naman ba ako?
Nang kapain ko naman ang katawan ko ay walang bakas ng pagsaksak o walang tumutulo. So ano itong nararamdaman ko?
"Hmm, amoy malansa. Isda ba'to? basta masansang e, ikaw try mo ring amuyin baka iba ang interpretation mo," natatawa niyang sambit.
"Sige, huwag mo munang idilat mata mo," nagsimula na akong mangapa at singhutin ang kama ko para malaman kung saan ulit ang basang parte.
Nasakit lang ang ulot ko noong maamoy ko ito ng malapitan. Kadiri.
"Malayo sa mapanghi, medyo malapit sa mabaho kaya hindi ihi o dumi," sabi ko at lumayo dahil parang nahihilo ako na ewan.
"AH!!!!! MAY DUGO KA SA MAY ASS MO!" pasigaw na banggit sa akin ni Clara at sa may tainga ko pa nakatapat kaya todo panic ako.
"Pucha? Dugo rin iyong nasa kama? Tingnan mo bilis!" nagtatalon ako at naglakad para kapain kung nasaan ang drawer ko para magpalit ng panty. Paano naman ako magkakadugo rito sa parteng ito gayong sa tiyan ako nasaksak kanina?
Wala namang mahapdi sa ibabang parte. Ang nakakapagtaka ay malapit sa tiyan ang sumasakit.
"Dugo rin ang nandito! Kaso ba't hindi amoy dugo talaga na usual? Baka naman ibang klaseng dugo ito?!" panic na sambit muli bg maliit na kasama ko at tumatak na sa akin ang amoy. Pakshet!
"HELP!!!!!!!" sigaw ko mula sa kwarto ko para lapitan ako at tulungan ni Yaza. Para kasing wala akong mapapala kay Clara e. Puro panic ang ambag.
"My lady, what happened--Oh my freaking hell!" pasinghap na sambit ni Yaza matapos banggain ang pinto.
BINABASA MO ANG
Core of Est | A Vampire Novel
VampireEster, the daughter of Dracula the Vampire and Alice the Witch, is the only one gifted with Immortality. In a world full of Assassins, Witches and Werewolves, her tower serves as her safe haven but the attackers are so persistent. Things will become...