UNA

134 5 0
                                    

ESTER'S POV

Napuno ang buong silid ng tawa ng niya. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa tawa niya at kumukulo ang nga venom sa kaloob-looban ko.

"Pwede bang pagpahingahin niyo naman ako? Wala rin namang saysay ang nga plano niyo," iritado kong sambit sa wikang filipino. Tutal, nagsalita na rin siya sa ganoong lingwahe, pahihirapan ko pa ba ang sarili ko?

Ang lakas din ng loob niyang magmura sa harap ko. Sayang at hindi ko siya makita, siguro mukha siyang payaso.

"Saglit lang, natatawa pa rin ako sa biro mo," patuloy pa rin ang pagtawa niya at napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi iyon biro. Totoo ang sinasabi ko, kaya kung ako sa'yo, ilayo mo ang dugo mo sa akin kung ayaw mong ako pa ang makapatay rito, sa halip na ikaw," walang gana kong pasabi at inayos ang kumot ko para humiga ulit.

"Anong mangyayari kapag nakainom ka ng dugo? Mamatay ka?" tanong niya. Napakadaldal ng assassin na ito.

Sa buong talamnuhay ko, hindi pa ako nakaranas na ganituhin. Kadalasan kasi, kapag hindi sila nagtagumpay sa pagpatay sa akin, naglalaho na agad.

"Assassin ka ng lagay na 'yan? Baka naman reporter?" puno ng sarkastiko kong sabi at napabangon muli dahil hindi pa nga pala siya umaalis. Baka atakin na naman ako neto.

"Curious lang, para alam ko na ang gagawin ko sa susunod," naramdaman kong may halong maitim na balak ang sinabi niya kaya napakunot ako pero may sumagi sa utak ko kaya napalitan ito at napangisi ako.

"Halatang baguhan," komento ko. Ang tagal niya kasing umalis! Gustong-gusto ko na matulog!

"Masasanay din ako, dalawin pa kita sa burol mo," kung malapit lang ako sa may mga bubog, baka nasugatan ko na siya kanina pa.

Hindi niya ba alam na mabilis magalit ang mga bampira? Grrrt.

"Ikaw ang unang mawawala, sugatan ka na agad, tinadyakan lang naman kita," ganti ko. Bakit ba nauwi ang patayan na ito sa payabangan?

"Nagtesting lang ako. Tiningnan ko kung gaano ka kalakas, na-disappoint ako sa totoo lang," naramdaman kong umupo siya sa may kama ko.

Kusang gumalaw ang ibabang parte ng katawan ko para tumiklop at hindi ko na madama ang katawan niya. Nakakainis!

"Salamat sa insulto, maglaho ka na, please lang," nagtalukbong na ako at kinapa ang leeg ko kanina. As expected, wala na kaagad ito.

"Kawawa ka naman, nakakulong ka rito sa lugar na 'to? Anong tawag dito? Tore ni Ester?" natatawa niyang sambit at medyo yumugyog ang kama. Anak ng!

Hindi na lang ako nagsalita at nagkunwaring tulog. Inabot na ako ng madaling araw.

Pwersahan niyang inalis ang kumot ko kaya nagulat ako. Hindi kinaya ng reflexes ko ang nangyari kaya heto ako ngayon, hindi makagalaw dahil hawak niya ang baba ko at nakatusok naman sa may tiyan ang kutsilyong hawak niya kanina.

"Kahit tumagos pa ang kutsilyo at ang kamay mo sa katawan ko, buhay pa rin ako," nakangiti kong sabi para siya naman ang mainsulto.

"Talaga lang ah? Sige pa-try," at isinuksok nga niya ang kutsilyo kaya napaduwal ako.

"Wow, color blue ang venom mo!" mangha pa niyang sabi kaya lalo akong nataranta.

"A-Alisin mo ang kamay mo! Mamamatay ka sa likidong iyan!"

Inalis naman niya kaagad ito at napa-aray siya sa sakit.

Naramdaman kong humangin at hudyat ito na umalis na ang assassin.

"Help!" dumagungdong ang sigaw ko sa buong tore at alam kong mas malakas pa ito sa halakhak kanina ng lalaking iyon.

Ano bang nangyayari sa akin? Saka lang ako tumawag ng tulong noong nakaalis na siya. Kainis!

Mabilis na nakapunta ang mga kawal sa akin silid at sinabi ko kung ano ang nagyari. Ipinalinis ko rin ang kalat sa ibaba at kama ko sa mga alipin.

"Ester, dear? Are you alright?" narinig ko ang boses ni Mother Alice. Hinaplos niya ang buhok ko at narinig kong nalaglag pa ang tambo na ginagamit niya upang makalipad. Typical witch, kaya napatawa ako.

"Yes, Mom. The attacker this time is somehow tricky, I should be careful next time," iyon na lang ang nasabi ko para hindi na siya mag-alala.

"Don't worry babe, you'll have your amazing gift from me in ten days!" babe ang tawag niya sa akin minsan, kung ano-ano basta sweet iyon para sa akin.

"What is it?" excited kong tanong. 17 years old pa lang ako pero mukha pa rin akong bata.

"It's a secret! Sleep now, Ester," inihiga na niya ako at hinalikan sa noo gaya ng ginawa sa akin ni Father Dracula kanina.

"Thank you for coming, Mom. You're always on the go," para siyang si 'the flash' narinig lang ang sigaw ko, karipas na siya papunta rito.

"Anything for you," huli niyang sabi.

Medyo napasabak ako sa Ingles dahil may mga kasama kaming kawal kanina. Kung kami lang ni Mother Alice ay malaya akong makakapagsalita ng filipino dahil gagamit siya panigurado ng mahika para walang makarinig sa amin.

Reflecting from what happened earlier,

Napahawak ako sa ulo ko at napagtanto ko ang nagawa ko ngayong araw na ito...


Bakit ko inilayo sa panganib ang taong alam kong siya namang papatay sa akin?

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon