IKADALAWAMPU'T WALO

63 4 8
                                    

[SPG ALERT]

ESTER'S POV

Nasabi sa akin ng mga iba naming kasamahan na napatay ang kalahating bilang ng lumusob na bampira at ang iba ay naglaho raw bigla.

Sa tingin ko ay kasabay ito ng pagkawala ng babae. Hindi ko alam kung paano sila naglalaho gayong wala namang mangkukulam na sumanib sa kanila, unless may traydor sa amin at pumupuslit.

Natapos ang kaarawan ko sa paghilata sa kama. Hindi ako makatulog dahil sa mga nangyayari. Parang napakabilis ng nakaraang ilang buwan. Wala akong idea kung sapat na ang lakas ko para harapin ang pinuno nila.

Hindi bilog ang buwan ngayon nang sumilip ako. Ngayon ko lang napansin na nag-iba na ang hugis nito at pinilit kong matulog na.

"Master...our enemy is too weak,"

Ayaw paawat ang pagragasa ng tibok ng puso ko sa nakikita ko. Nakaluhod siya sa lalaking pinakamamahal ko at nakatungo bilang pagbibigay-galang.

Bumaba mula sa trono ang pinuno at nilapitan ang babae. Mabilis niya itong binuhat at dinagsa ng mga halik niya ang balikat ng itinuturing niyang magiting na 'sundalo'.

Maihahalintulad sa pagtatad-tad ng sibuyas na pang-gisa ang nararamdaman ko. Habang pinipino ay naluluha ako sa nakahaing pangyayari.

Kung paano niya hawakan sa likod, kung paano niya haplusin ang balat sa banayad na paraan, kung paano niya hindi pabayaan ang labi ng sundalong ilang beses ko na nakalaban. Para bang wala lang ako rito na nakikita kung gaano kainit ang mga bagay na pinagsasaluhan nila.

Nangangatal ang mga kamay ko at bumigay ang mga tuhod ko habang kumakalat ang luha ko sa suot kong damit. Tila ba dugo na ang lumalabas sa akin dahil sa hapdi ng mga mata ko.

Nagtungo sila sa tore ko at binahiran ang kama kong nananahimik. "I already know it since day 1. Victory is assured when I'm with you," ngayon lang ito sumagot at biglang pinasok nang walang pasabi ang kaloob-looban ng babae.

From there, I told myself na kailangan kong kayanin na makita silang ganito. Malapit na sana akong magtakip ng mga tainga para hindi ko marinig ang pag-iisa nila pero inilagay ko ang kamay ko sa likod para mapigilan ang sarili ko.

Pareho silang walang saplot at walang tigil kahit yurak na yurak na ang kama. Ikinalma ko ang sarili ko dahil nararamdaman kong malapit na silang matapos.

"Master!" ito ang nasabi ng babae bago sila maghiwalay at magpasabog.

Na-obserbahan ko na ni isang beses ay hindi pumikit ang isa sa kanila. Mulat na mulat ang mga mata nila!

Ang babae ay lasing na nakatingin kay Argon na siya namang nakatingin sa akin buong session. Sinasadya nilang ganituhin ako kaya hindi lang sila ang nag-iinit. Malayo lang ang pinagkaiba dahil nag-iinit ako sa galit.

Na-blanko ang tingin ko nang lumapit siya sa estatwa ni Queen Gustava. Hinalikan nito ang labi kahit na dumampi lang siya sa isang marmol. Hindi maikakailang mahal pa rin niya ito at walang papantay maski ang naikama niya kanina.

"Ilang taon na rin ang nakalipas, simula nang gawin kita."

Tuluyan na akong napabalikwas ng bangon matapos kong marinig ang sinabi niya.

Alam kong nasa loob ako ng panaginio ko kanina pero bakit parang totoo ang huli niyabg sinabi? Naging iba ang takbo ng tibok ng nasa loob ko nang marinig ko ang sinabi niya. Dapat ko ba itong paniwalaan?

"Dalawang beses na akong kumain, ikaw ni umagahan ay hindi mo pa nangangata,"

May dala-dala siyang mangkok na may kaasamang usok at inilapag sa gilid ko.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon