IKAPITO

96 8 0
                                    

ESTER'S POV

Nagpasiya na lamang ako na kalimutan ang nangyari at nawalan na ako ng gana matulog. All nighter won't hurt my butt.

4th day. 6 more days before the day itself. Excited na akong malaman kung ano ang regalo sa akin ni Mother Alice.

Kahit sa araw na iyon. Mabigyan sana ako ng pagkakataon na makita ang sarili ko sa salamin.

Nilibot ko ang aking silid at kinapa lahat ng bagay na maaari kong makita sa ika-sampung araw. Puro matitigas ang nahahawakan ko at napako ang aking mga kamay sa isang bagay.

Nahipo ko ang matigas na mukha, ilong, labi at pati na ang katawan ng isang tao. Namangha ako sa perpektong hugis nito.

"Yaza? Am I touching a statue?" Hindi ko nabigyang pansin ang mga ganitong klaseng bagay noong bata pa ako kahit matagal na ako rito. Iniiwasan ko kasing makabasag o makasira ng kung ano dahil sa kapangyarihan ko kaya minabuti kong pumirmi na lang sa higaan.

"Yes, your majesty! That's from your Mother Alice. She insisted to place it here so the moment you open your eyes with a perfect sight, you'll see the Queen's beautiful existence," sagot niya sa akin.

Kaya naman pala. Sayang at hindi ko man lang naabutan si Queen Gustava. Hindi na ako nagtataka kung bakit nahumaling si Father Dracula sa kanya pero kung ako ang tatanungin, sana si Mother Alice na lang ang pinili niya.

Nasabi kasi sa akin na sumama si Queen Gustava sa isang lalaki noong 18 na taong gulang siya. 13 lang kasi siya noong ipinanganak niya si Aesus. Sobrang bata pa.

Normal na sa amin ang ikasal o magkaanak sa murang edad. Kaso ako mukhang nasobrahan. 18 na si Queen, may tatlong anak na. Samantalang ako, malapit nang 18 pero ikakasal pa lang.

"I wish she's still alive," sabi ko na lamang sa sarili ko.

"You can have your breakfast, Yaza. I don't want you to look thin," utos ko dahil gusto ko munang mapag-isa.

Bumalik ako sa higaan ko at humiga ulit. Pinipilit kong makatulog pero ayaw talaga ng katawan ko.

Nawala ang sinag ng araw na nakatapat sa akin kanina lamang. Sa tingin ko ay may humarang na kung anong hayop, bagay o tao.

"May kwento ako sa'yo,"

"Akala ko ba napag-utusan ka lang ng magaling mong kuya kagabi? Bakit ka ngayon bumalik?" takhang tanong ko kay Argus. Balak na naman yata akong kulitin.

"Kasi nga may kwento ako sa'yo," bumangon ako saglit para pagbigyan siya. Inihanda ko na rin ang sarili ko in case na bigla siyang umatake.

"Spill it," maikli kong sabi at ito ang naging hudyat niya para tumabi malapit sa aking higaan.

"Kaninang madaling araw, dala-dala ko ang buhok na galing sa'yo para gumawa ng katarantaduhan," panimula niya. Buti at aminadong tarantado siya.

"Anong ginawa mo sa buhok ko? Kinain mo?" nadidiri kong tanong sa kanya. Malay mo mahirap pala sila kaya hiningi ang buhok ko para may pang kain.

"Hindi, dinala ko sa isang eksperto," huh? Ang bagal naman niyang nagkwento. Kainis!

"Ang dami mong palaboy," komento ko. Nakakawalang ganang makinig sa mga ganitong story teller. Parang ang sarap sabihan na wala akong pakialam sa kwento niya o humanap na lang siya ng kausap niya.

"Sabi ko sa taong 'yon, gamitin ang buhok mo para kulamin ka,"

Piniki kong hindi magsalita. Parang alam ko na kung saan papunta ang usapan na ito.

"Alam mo, bwisit ka. Hindi mo sa akin sinabi na witch pala ang nanay mo!" napaawang ang bibig ko dahil bigla niya akong naitulak nang bahagya.

Natatawa pa siya matapos niyang sabihin ito. Sabi ko na nga ba.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon