ESTER'S POV
Nagising ako nang tumunog ang tambol at hudyat ito na kailangan ko nang gumayak para sa seremonyas.
Nawala na ang tuwa ko mula kagabi dahil alam kong makikita ko na sina Jovan."Lady Ester, you only have 30 minutes left before the wedding," kagat-kagat niya ang mga kuko niya at napangiwi.
Napakamot ako sa buhok ko at wala namang pakialam kung 15 minutes na lang ay hindi pa ako nakakaligo.
Kaya kong pumunta roon na basahan ang suot ko o mas mabuti sanang hindi na lang ako sumipot.
"I can still make it, wait for me," dumeretso na ako sa CR para maligo. Ligong uwak 'yon at nag-bihis na ako agad.
Hindi ako excited sa kasal pero hindi ako mapakali sa digmaang magaganap.
Hindi na ako nag-ayos pa ng buhok at inilugay na lamang ito galing sa pagkakapuyod. Hindi na rin ako magsayang ng oras para tingnan ang sarili ko dahil alam ko na ang hitsura ng damit ko.
Tumanggi akong magpaayos at napakarami kong hinindian na katulong upang asikasuhin ako. Sinabi ko sa kanilang lahat na ako na lang ang gagawa dahil nakakakita na naman ako.
Nakarating ako sa palasyo ng mga bampira at mayroong makapal na telang nakalatag para sa aking daraanan.
Hinanap ko ang Ina ko ngunit hindi ko siya makita dahil sa dami ng tao. Marahil ay naisipan niyang hindi na dumalo dahil sa inasta ko noon.
Kasama kong naglalakad ngayon si Father Dracula at seryoso lang siyang nakatingin sa unahan. Ni walang nililingon sa kahit sino.
"You look beautiful, Ester," komento niya nang marating namin ang gitna. Nagtama ang paningin namin ng lalaking naghihintay sa unahan at matalim siyang nakatingin sa akin.Inilabas ang mga mahahabang pangil at gumuhit ang nakakatakot niyang aura nang matungtong namin ang aking destinasiyon.
Dalawang nangingintab na bagay ang tumambad sa aming harapan at ni hindi ko alam ang kailangang gawin.
"You may proceed," isang bampira ang nasa tapat namin na nagsisilbing tagapamagitan sa seremonyas.
Kinuha ni Jovan ang kutsilyo at walang pasabing sinugatan ang palad ko kaya lumabas ang venom nito.
Napatingin ako sa galit at sana'y hindi na lang siya nagsuot ng kung ano sa kanyang kamay para nalusaw na ito.
Kumuha siya ng kaunting venom at mabilis na ipinahid sa isang bilog na bagay, kulay puti ito kung hindi ako nagkakamali at nangingintab.
Naging kulay itim ang kulay nito nang mabahiran ng venom ko at tumingin siya sa akin, "Your turn," naiinip niyang sambit.
Sinugatan ko rin sa kamay at nilakihan ko ito kaya muntik na niya akong banatan. Nanlaki lang ang kanyang mga mata at pinigilan ang sarili dahil marami sa aming nakatingin.
Nagsuot ako ng kung ano rin sa kamay ko para dumampi ng dugo mula sa kanya. Mabilis ko ring ginawa iyon dahil naaamoy ko ito at nahihilo ako dahil galing sa purong bampira.
Naging kulay itim rin ang bilog na pinahiran ko at lumapit na ang mga alalay upang kunin ang dalawang bilog at inilagay ito sa isang kumikinang na parang yari sa metal.
Kung hindi ako nagkakamali ay korona ang tawag sa bagay na ito. May butas sa gitna upang maisuot sa ulo kagaya ng nakita ko sa estatwa.
"Bow down to your new King Jovan and Queen Ester!" pagpoproklama ng matandang bampira at nagsilabasan ang mga pangil ng mga nanonood o bisita.
Walang ngiti na makikita sa aking mukha nang iharap kaming dalawa at umupo na sa trono.Naging maingay ang paligid dahil sa pagtugtog ng mabagal na musika at sumasayaw ang iba.
BINABASA MO ANG
Core of Est | A Vampire Novel
VampireEster, the daughter of Dracula the Vampire and Alice the Witch, is the only one gifted with Immortality. In a world full of Assassins, Witches and Werewolves, her tower serves as her safe haven but the attackers are so persistent. Things will become...