IKATLO

99 9 0
                                    

ESTER'S POV

Naging energetic ang venom ko sa loob kaya hindi ako mapakali. Parang 'kati' 'yung feeling habang nasusunog ako.

I mustered all of my strength to swallow the fire and eat it up. Weird, but it taste so good!
It's like I drank a coffee with super hot temperature.

It calmed my body. Medyo nangitim ako dahil sa init but I am hella sure na babalik din ang kutis ko sa dati.

"Hindi ka man lang umaray? O kaya ouch?" bakas sa pananalita niya ang pagkamangha.

"Do I look like a fucking guinea pig for you?" singhal ko sa kanya. Nakakainis!

Hindi ko maatim na pinahiran ako ng gasolina! Kaya pala ganoon ang amoy!

"Alam mo, pasalamat ka na lang at hindi nakain ng apoy ang buhok mo. Sayang, bagay sana sa'yo ang maging kalbo,"

Huwag na kayong magtataka kung isang araw, ako na ang assassin sa aming dalawa. Ginigigil ako ng taong ito.

"Tangina mo, super," malutong na mura ko sa kanya.

Aba, sa halip na maging smooth ang balat ko ay nalapnos pa ito.

"Nasaan si Yaza?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ah! pinatahimik ko lang saglit, actually effortless nga e. Lalapit pa lang sana ako, nahimatay na siya agad kanina, galing 'no?" naramdaman kong humawak siya sa nalapnos kong balat.

"Tamo, hahawakan pa!" kapag ako hindi nakapagtimpi, dudukutin ko na lang ang mga mata niya para makakita ako.

"Arte mo naman, nahawakan ko na naman lahat sa'yo kanina,"

Napapikit na lamang ako para damhin ang galit ko sa loob. Chill ka lang, Ester. Assassin lang 'yan.

"Luh? Walang reaction? Ang boring mo naman," naramdaman ko ang malambot na tela na tumama sa mukha ko at dumeretso ito sa may kandungan ko.

Nagbihis ako ngunit tumalikod muna ako sa kanya. Letche talaga siya! Wala pang nakakahawak sa katawan ko ni isa tapos siya, parang walang nangyari?

"Dadalhin ko na rito ang katulong mo, paiyak ka na e," walang gana niyang sabi at nagtungo kung saan.

Maya-maya pa ay may narinig na akong mga kaluskos. Nandito na sila!

"L-Lady, I'm really sorry! He forced me to tell those words to you. I-I didn't mean it--"

"It's okay, Yaza. You can sleep now,"

"But--"

"Leave this matter to me, just please shut your mouth about this incident. Are we clear?" kalmado na ako sa lagay na iyan. Ayoko namang sigawan siya dahil takot lang din siya mamatay.

"Thank you, Lady,"

Narinig kong tumawa nang mahina si Argon nang makaalis ang maid.

"Bakit ba ang bait mo sa akin? Dapat pinaalam mo na lang na sinugod ulit kita. Pfft, masayang magpahabol sa mga kawal niyo, kung alam mo lang," panimula niya.

"Hindi ba nangangalay ang bibig mo? Kung ako ang panga mo, matagal na akong humiwalay at sumuko sa'yo dahil sa pagod," binusalan ko na rin siya ng mga salita na makakapagpaalis sa kanya.

Ang mainit niyang hininga ay nadama ko sa may leeg ko kaya inilayo ko ito sa kanya.

"Concern ka pa sa panga ko, baka naman pati sa ibon ko, concern ka rin? Natatandaan mo ba? Dito tumama ang paa mo noong sinipa mo ako, puno pa nga ng sugat ang likod ko,"

Hindi ako nagsalita. Ako pa ang sinisi niya! Kung hindi niya ako pinagtatangkaang patayin, edi sana ayos kami ngayon! Tss.

Ilang sandali pa ay gumalaw ang kama at marahil paalis na siya. Naalarma ako at hindi mapakali.

Parang nademonyo ang kamay ko dahil nahila ko siya pabalik at dumako ang mga ito likuran niya. Napamura siya nang mahina dahil sa inasta ko.

Napakalapad ng likod niya at naging magaspang dahil sa mga sugat. Ah, dahil pala sa mga bubog kagabi.

Naalala ko na tinuruan ako ni Mother Alice na gumamot at tinesting namin ito sa isang daga noon. Kadiri, pero nakasagip ako ng buhay ng daga.

"Alisin mo na ang kamay mo, kasalanan mo 'yan kaya--Puta!"

"Huwag kang malikot," mariin kong sabi at sabay na diniinan ang mga sugat niya dahil sa likot niya. Gagamutin na nga siya e, hmmp!

Itinapat ko ang aking mga kamay kung saan ko nasalat ang mga sugat niya at ipinikit ang aking mga mata.

Naramdaman kong gumagana na ang aking kapangyarihan kaya iginalaw ko pa ang aking mga kamay para malakbay nito ang iba pang sugat na hindi ko nakapa kanina.

"Itigil mo na 'yan! Kaya ko ang sarili ko--"

Natigilan siya sa sinabi niya nang dumampi ang mga labi ko sa pinakamalaking sugat niya.

"Ahh, shit ka..." napahaba ang daing niya at saka humangin nang napakalakas.

Umalis na siya, pero alam kong wala na ang mga sugat niya sa likod.

Lapnos pa rin ang balat ko dahil sa init pero parang nagliliyab na naman ako.

Venom ko ba ito? O mukha ko na mismo?

Kinapa ko ang sarili ko at napagtanto ang katotohanan.

Hindi ito pwede, ikakasal na ako!

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon