IKALABING-ANIM

84 5 0
                                    

ESTER'S POV

Nagising ako na mayroon na akong suot na saplot sa katawan. Hindi ko maigalaw ang sarili ko sa sakit. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na umiyak dahil sa oras na mag-ingay ako ay kakagatin nila ako.

Ayaw kong maging ganap na bampira. Hindi ko kayang maging hayok sa dugo.

Ipinangako ko sa sarili kong maibibigay ko ang una ko sa lalaking magmamahal sa akin kung ano talaga ako ngunit nawala na lang iyon na parang bula.

Wala silang kaalam-alam sa nangyari. Nawawalan na ako ng ganang huminga.

"L-Lady Ester, your Mother Alice is here," nanginginig na sabi ni Yaza. Ah, nandito na pala ako sa tore ko.

"Darling! Why are you so sad today? Tomorrow is your day!" hinaplos niya ang buhok ko at tumani siya rito sa kama.

"Can I say no to the wedding?" pati tono ng pananalita ko ay wala nang iniba. Monotone kung monotone.

Natagilan naman ang aking kausap at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, "Ester, what is wrong with you? Ngayon ka pa aatras gayong bukas na mangyayari ang lahat," medyo nadismaya ang tono niya. Akala niya siguro ay wala nang problema.

"I'll stay here tomorrow, hindi ko sisiputin ang kasal," ayokong sabihin sa kanya ang nangyari kahit gusto ko.

Ngayon lang ako nakaranas na mahirapang magsabi. Sirang-sira na talaga ang tiwala ko sa lahat.

"Anak, you are just hungry. Yaza, bring here some--"

Hindi na lang ako nagsalita. Baka dumulas ako at may masabi.

"Since you are sad today, ibibigay ko na ang regalo ko sa'yo," sambit niya at bumuntong hininga bago gawin ang sinasabi niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at naghintay na may milagrong mangyari sa akin. "Open your eyes, dear,"

Pagkamulat ko ay sa halip na makita ko ang aking Ina ay natuon ang aking mga mata sa salamin at nakita ko ang sarili ko.

Doon nakalagay ang nabasag na salamin dati na napalitan na matapos masira.

Buong-buo ko na ngayong nakikita ang sarili ko at pinipigilan kong may lumandas na luha mula sa aking mga mata.

Nagkaroon na ako ng paningin ngayon pero wala itong kabuhay-buhay. Nakakakita ako pero parang bulag pa rin ako dahil sa karahasan.

"Hindi ka ba masaya, anak?" nilingon ko na ang Ina ko at pinagmasdan ko siya. Unang beses ko siyang nakita ng ganito at hindi niya alam na nakakita ako noon.

"Magiging masaya lang po ako kapag walang kasalan na magaganap bukas," seryoso kong sabi sa kanya kaya lalong nagkunot ang kilay niya, marahil ay hindi na naman nagustuhan ang sinabi ko.

"Tell me what's bothering you, Anak," hinawakan niya ang mga kamay ko para mapilit akong magsalita.

"Everything, Ma. Everything," alam kong malawak masyado ang sagot ko pero mabuti na iyon. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ng Ina ko kapag nalaman niya ang lahat.

The thing is, witches are forbidden to cross the Vampires' territory. Naging exemption lang ang Ina ko dahil ako ang anak niya pero hindi siya pwedeng mamalagi.

Witches, Vampires and Assassins and Werewolves. Apat na villages ang magkakaaway ay patuloy na nagpapatayan kahit anong oras.

"Don't make this hard for me, Ester. I am your Mother," dagdag pa niya. Lalo akong nainis dahil ipinipilit pa rin niya at may bigla akong naalala.

"Gusto mo pong matuloy ang kasal para ano?" may galit na sa mga tanong ko at gusto kong malaman ang sagot mula sa kanya. Sana ay huwag siyang magsinungaling.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon