IKADALAWAMPU'T PITO

64 2 0
                                    

ESTER'S POV

Nakalipas ang ilang buwan at kahina-hinalang hindi na nasundan ang pag-atake ng mga bampira.

Hindi naging madali ito sa amin dahil mas mapanganib at walang nakakaalam kung kailan susunod na lulusob, kung ubos na ba sila o sadyang naghihintay lang ng tamang tiyempo.

Kasalukuyan akong nagpapaturong magbasa at magsulat kay Neivi at panay ang hampas niya dahil sa katangahan ko.

Napatigil naman akong magsulat ng pangalan ko nang may naglapag ng isang basong may lamang likido.

Napalunok ako at nauhaw bigla. Pinipilit kong lumunok ng saliva para ilayo ang sarili ko sa inumin dahil hindi pa ako tapos sa ipinagagawa ng guro kong kanina pa umuusok.

Tumingin ako kay Neivi at niyabangan siya dahil biyaya na ang lumapit mismo sa akin kaya nang kukunin ko na sana ang baso para laklakin na agad ito ay inagaw muli ng hangal na naglagay kanina.

"Your hands aren't moving, so no venom for you," inilayo niya ito sa lamesang pinagpatungan at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayan napala mo," singit ng munti kong kaibigan. I'm getting the Clara vibes here. Can someone send help?
Pretty please.

Magmula nang kumawala ang wild heart ni Argus ay hindi na niya ako tinantanan kahit anong tulak ko.

Haria seems cool with it nang mapansin niya na may gusto sa akin ang gusto niya. She said it's fine, as long as she can still be with him.

"Ate!!!" nagising ang diwa ko sa sigaw niya.

Sumimangot naman ako at naglabas ng sama ng loob. "Ikaw, pumupunta ka lang dito kasi nandito 'yang si Argus ha. Siya ba ang kapatid mo?"

She just hugged me tightly at nabitawan ko ang hawak kong panulat. "Yes, of course! 'di ba, future brother?"

Nawi-weirduhan na ako sa pakikitungo nila ha. Before, she kissed him tapos ngayon, ibinubugaw niya pa ako sa gusto niya?

Ngumisi lang ang 'kuya' kuno niya at tumango-tango. Ang dami namang namgyari sa nakaraang buwan at naging ganito na sila ka-close.

Tinapos ko na agad ang pinagawa sa akin para malantakan ko na ang venom. Marami-rami rin iyon!

"Bulag!" makatawag pansin ang boses at pareho kaming napalingon ni Haria.

Ang tanga naman ni Argus, pareho kaming naging bulag, bakit iyon pa ang ginamit niyang panawag?

Walang sumagot sa amin ni isa kaya nagpatuloy ako sa pagtitiklop ng mga damit ko.

"Wala ka talagang alam kung anong araw ngayon?" wari'y hindi siya makapaniwalang may nakalimutan ang tinutukoy niya.

Again, walang pumansin sa kanya dahil ayaw kong mapahiya. Over my beautiful red hair!

Natabunan ng mahaba kong buhok ang mukha ko habang naglalagay ng mga damit sa lalagyanan. Ibig sabihin, exposed ang batok ko at natural na walang kaso ito para sa'kin.

Hindi rin naman nagsasalita si Haria at nakikiramdam siguro siya kung sino ang kinakausap ni Argus.

Bago ako mapunta sa kinalalagyan ko ay nasa may kama si Haria at humiga muna roon para makapagpahinga saglit. Umaga pa lang naman kasi.

Wala rin ang presensiya ngayon ni Neivi. Kung saan na naman dumayo ang terror na 'yun. Napagod siguro kapuputak sa akin kanina.

"Ayaw mong sumagot? Sige, wala kang regalo mamaya,"

Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan lalo na sa parteng batok kung saan tumama ang hininga niya kaya nanigas ako at hindi nakagalaw kaagad.

Hinintay ko munang mawala ang presensiya niya sa kwartong ito at nilingon ang kalendaryo.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon