IKALABING-APAT

98 9 0
                                    

[SPG ALERT!]

ESTER'S POV

Nabibigatan ako sa lagay namin ngayon. Nakakatakot pa dahil nasa rurok kami ng double deck na sinasabi niya.

"Hindi mo ba ako paaalisin sa ibabaw mo?" puno ng kalaswaan niyang tanong sa akin kaya napangibit ako.

"Kung sabihin kong umalis ka, aalis ka ba talaga?" siya itong may kontrol sa sarili niya, ayaw pa niyang magkusa.

Natural, kung alam mong nasa ibabaw ka dapat lang na umalis ka dahil napeperwisyo rin ang nasa ilalim mo.

"Hindi," kita niyo? Matanda na siya sa lagay na 'yan.

Come to think of it, 7 years ang gap namin. Ibig sabihin, 7 years old siya noong ipinanganak ako. Ganoon kalaki ang agwat kaya hindi ko maintindihan kung bakit gurang na ang idinidikta ng utak ko.

Napansin ko rin ang biglang pagluwag ng trato niya sa akin ngayon. Nakakapagtakang wala pa siyang brutal na ginagawa at tinulungan niya pa ako.

"Nabaliktad ba ang pwesto ng utak mo?" takha kong tanong dahil matagal ko nang gustong malaman ang sagot mula kay Argon.

"Huwag kang mang-insulto kung ikaw mismo ang mas kainsu-insulto," pinagdiskitahan niya ang noo ko dahil dinuro-duro niya ito noong sabihin niya ang mga nasabing kataga.

"Alam ko kasing ikaw ang naglagay ng mga patalim na 'yon, so bakit mo ako dinala rito? Parang dati, hindi ka pa makokontento sa ganoon at sisipain mo pa ako," biglang pitik ng attitude. Di kaya nasapian siya ngayon?

Napakagat ako sa lower lip ko dahil kinurot niya ako sa braso at hindi lang iyon basta kurot.

Matitilos ang mga kuko niya kaya bumaon ito sa balat ko. Buti na lang at walang lumabas na venom.

Umalis na rin siya sa ibabaw ko kaya nakaupo ako sa kama.

"Subukan mo lang talaga na sabunutan ako, makakagat kita," pabulong kong sambit sa kanya at alam kong hindi naman niya ito rinig.

Napakahawak tuloy ako sa mga hibla ng buhok ko at pinaglaruan ito.

"Talikod," hindi ko alam kung anong naisipan niya at kailangang limitado lang ang lumalabas sa bibig niya na salita. Kadalasan, isang salita lang.

Tinitipid niya yata 'yung saliva niya. Mukha bang mauubos 'yun? Bobo naman.

"Hayan ka na naman sa assassination shit mo, pwede bang bukas mo na lang ituloy? May sugat pa ako sa paa," suhestiyon ko pero alam kong hindi naman niya ako papakinggan.

Duh? May predator bang makikinig sa prey niya?

Dahil pumasok at lumabas lang sa tainga niya ang sinabi ko ay sapilitan niya akong ipinihit patalikod sa kanya at hinawakan ang balikat ko.

Parang kada hawak niya sa akin, may katumbas na pasa. Wala talagang pinalalampas na pagkakataon, sunggab agad siya sa opportunity.

Naramdaman kong sinuklay niya ang buhok ko at panay ang reklamo ko.

"Hindi ka pwedeng barbero, mauubos ang buhok ko sa'yo," alam ko namang maganit ang buhok ko dahil nagulo ito noong sumakay kami sa magic broomstick pero dahil sa buhol-buhol ay ipinagpipilitan niyang matanggal ang buhol gamit ang marahas na pagsuklay.

Hindi na naman nagsalita si Clara. Palagi siyang missing in action kapag magkasama kami ni Argon.

"Ahhh! Aray ko naman! Bakit mo binunot?" napaharap ako sa likod at tinampal ang kamay niya. Sorry siya, napalakas ang pwersa ko.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon