IKADALAWAMPU'T SIYAM

64 3 0
                                    

HARIA'S POV

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Isa akong mangkukulam at ilang beses na akong sumubok na gumawa ng kung anong mahika para makakita ako.

Ang sabi ni Mother Alice, hindi raw ito tatalab kung ako mismo ang gumawa. Kailangang nula ito sa ibang tao para mas maging epektibo.

Nagawa na ito ni Father Baine pero isang beses sa isang taon ko lang ito maaaring mangyari kaya tuwang-tuwa ako sa sinabi ni Ate Ester.

Ilang buwan na ang nakalipas at minsan ay naaawa na ako kay Argus. Kung pwede lang sana na diktahan ang puso niya na ako na lang para hindi siya masaktan...ngunit hindi at malabo ito.

"Nabalitaan kong hindi ka pinasasama ni ate ngayon, paano ka na ngayon?" bihis na ako ngayon at tinulungan akong magbihis ng kapatid ko para sa paglusob mamayang gabi.

Alam kong narito na siya at binabantayan ako pansamantala kaya kampante akong sasagutin niya ako.

Narinig kong bumukas ang pinto at hindi ko alam kung sino ang iniluwa nito.

Naramdaman kong may papalapit sa aking kung sino at tinakpan ang mga mata ko. Parang may nagbago sa akin na hindi ko mawari kaya hinayaan ko na lang na matapos ito. Bigla kasing gumaan ang pakiramdam ko at imposibleng nasa panganib ako ngayon kaya pumikit ako.

Nang maalis ang mga kamay niya ay sumabay ang pag bukas ng mga mata ko at nagdiwang sa tuwa.

Pagkasulyap ko sa taong nasa harapan ko na may kung anong nakalagay sa leeg niya ay ibinaling ko kaagad ang sarili ko sa nilalang na nasa may pinto.

Napaiyak ako at nagtatakbo para yakapin ito. Wala na akong pakialam at inisip pa kung magagalit siya dahil sa nararamdaman ko.

Nanigas lang ang niyakap ko sa kinatatayuan niya at tumingala ako upang tingnan siya.

Sa wakas ay nakita ko na rin siya. Ang sinasabi ni tandang Rufio na nakatakda sa akin!

"Ikaw ba si Argus?" nangingilid ang luha ko habang pinipisil ang mga pisngi niya. Sa takot na baka panaginip lang ang lahat.


Ngumiti lang siya at tumango. Nakapako ang tingin sa sa likuran ko laya lumingon ako at binalikan ang kapatid kong may hawak na maliit na kung ano.

Unti-unti akong naglakad papunta sa kanya at nakita ang sarili ko sa bagay na ito.

Niyakap ko naman siya at nabitawan ni ate ang hawak niya dahil sa akin.

"Kulang ang salitang salamat sa'yo, ate. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito," bumaba ang tingin niya at nag-iba ng ekspresyon sa mukha.

Nakita kong may takas na tubi mula sa mga mata niya at umiwas na lang din ako ng tingin para hindi madala sa kanya.

Inilibot akong muli ni Argus sa lahat ng kuta at hindi siya nagreklamo man lang ni isang beses.

Buhat-buhat niya ako kung saan kami dalhin ng mga paa namin habang naka-sakay ako sa likuran niya.

Hindi ko mapigilang lumuha at alam kong pumapatak ito sa suot niya kaya napatigil siya sa paglalakad.

I suggested na sumakay kami sa walis tingting para mabilis kaming makarating sa destinasyon namin pero namg iabot ko ito ay itinapon lang ni Argus kung saan at walang pasabi na binuhat ako at inilagay sa likod.

I am this happy to the point na sa tingin ko, may mangyayaring hindi maganda mamaya. I always fear this moment pero heto at ayaw pang umalis sa katawan ko.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon