IKALIMA

96 8 0
                                    

ESTER'S POV

Nagising ako at kinapa ang sarili kong mga sugat. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil wala na ang mga ito kaya madali na akong nakabalik sa aking tore.

"How's the child, Yaza?" agad kong tanong sa katulong namin.

"His parents already came to get him," nalungkot naman ako. Akala ko ay makakasama ko pa kahit saglit ang bata para may kalaro ako rito at hindi laging nag-iisa.

"Thank you for following my orders," malumanay kong sambit at inayos ang sarili ko habang inaalalayan akong magbihis ni Yaza.

"What's the color of my cloth?" araw-araw akong nagpapalit pero gusto ko pa ring malaman kung ano na ang isisusuot nila sa akin.

"Still white, Lady," para naman akong ililibing na. Sabi ni Mother Alice, maputi raw ako at puti rin ang buhok ko. Asul daw ang mga mata ko at payat ako.

"Wala na bang bago..."

"I'm sorry, Lady?" naguguluhan niyang tanong

"I was wondering if I am still allowed to wear something in white during my wedding," Ni hitsura ko ay hindi ko pa nakikita. Ang hirap naman!

She chuckled at my remark and replied, "You'll be the most beautiful bride, Lady Ester. You are required to wear the magnificent gown of Queen Gustava,"

Napakunot ang kilay ko sa sinabi niya. Uhm, paano kung hindi sa akin kasya?

"Ah, I see," wala lang akong maisagot kay Yaza. Naubusan na ako ng words sa utak ko.

"It's already late, Your Majesty. Time to sleep," agad? Bilis naman.

"You may leave now, Thank you," kinusot ko ang aking mga mata. Siguro naman walang aatake ngayong gabi dahil umatake na si Argon kanina.

"I'm so tired," sabay inat at hikab ko. Bumibigay na rin ang mga mata ko kaya itutulog ko na lang ulit ito.

"Hell, I'm not,"

Awtomatiko akong napamulat muli sa nagsalita ngunit sumaktong natabunan ako ng mga likidong may pamilyar na amoy.

"My brother told me that you are allergic to blood. Since I am so smart, I brought here a gallon to give you a blood bad,"

Okay, kalma. Ang sabi ni Mother Alice, as long as hindi ako makakalunok ng dugo, walang mangyayari.

Buti pala, nakatikom ang bibig ko kanina. Agad ko namang pinunasan ang bibig ko.

"Brother?" sa dami ba naman ng lalaking umatake sa akin sa mga nakaraang taon, wala na akong matandaan kung sino-sino sila.

Ang iba ay hindi na bumalik, ang iba naman ay pasulpot-sulpot pa rin.

"Yeah. Argon is his name,"

Narinig ko lang ang pangalan, hindi na ako mapakali. Kapag ako nakakita na, una ko siyang pupuntahan para laitin ang hitsura niya.

Hindi ako nagsalita dahil epic din naman siya katulad ng kuya niya.

"Hindi mo ba tatanungin kung anong pangalan ko?"

Oh. Wala ring preno ang bibig. No doubt, dude.

"Why would I ask my assasin's name?" mataray kong tanong pabalik sa kanya.

"Para matandaan mo, ang gwapo ko kaya," naalala kong sinabi sa akin ng Ina ko na masasabi mong gwapo ang isang tao kapag hindi ito nakakasawang tingnan at naganda ang pakiramdam mo sa tuwing nakikita mo ang taong iyon. Ganoon din kapag daw 'maganda'.

"Kalimot-limot ang pangalan mo kung masama ang ugali mo," hindi na ako makapaghintay na magkaroon ng paningin. Irap na irap na ako lalo na sa ganitong sitwasyon.

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon