ESTER'S POV
Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatungo silang lahat sa akin ngayon. Parang kahapon, halos ilugmok nila ako sa lupa para maglaho. Napakabilis!
"Hindi niyo na po kailangang magbigay galang sa akin, tumunghay na po kayong lahat," napa-awkward kong sambit sa kanila at sumunod naman sila sa nais ko.
Nakatingin sila sa akin na kita sa mga nukha ang pagsisisi sa mga nangyari noong nakaraan. Hindi ko naman inasahan na mabilis na bibigay ang mga bakal nilang puso sa pagtulong ko.
Hindi sila natitinag sa mga pwesto nila at parang may hinihintay. "Maaari ko po bang malaman kung sino-sino ang mga pinuno ng tatlong angkan?" tanong ko sa madla at bumagsak ang mga balikat nila nang marinig iyon.
Umabante ang isang lalaki at ibinuka ang bibig niya upang magsalita. "Pinamumunuan po ni Pinunong Argon ang angkan ng mga assassins at werewolves ngunit base sa nabalitaan naming pagdakip niya sa Prinsesa Haria ay masasabi naming isa siyang taksil na iniwan sa ere ang kanyang nasasakupan."
Sumunod na sumagot ang isang babaeng mula sa likuran. "Pinamumunuan ni Haring Baine ang angkan ng mga mangkukulam kasama ang nasawing Reyna na si Alice. Ang tagapagmana nila ay kinuha kaya nanganganib na rin ang kanilang kuta."
"Ang mga taong lobo? Sino po ang namumuno sa kanila?" napansin ko kasing ito na lang ang hindi pa nababanggit.
Saglit na nagkaroon ng katahimikan bago naglakas ng loob na lumapit sa akin ang isang matanda. "Matagal na pong walang pinuno ang angkan ng mga taong-lobo matapos patayin ni Dracula ang huli naming lider na si Pancio," napahawak ako sa bibig ko. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ang laki ng galit nila sa Ama ko.
"Napag-alaman na rin po namin na tinakasan ni Pinunong Argon ang responsibilidad niya sa angkan ng mga taong-lobo upang makasama si Gustava na napadpad sa kuta ng mga assassins at doon na rin siya namalagi matapos sumakabilang buhay ng mga magulang niya," isang lalaki muli ang nagsalita at medyo may pagka-bata pa ito.
Naramdaman kong may gusto pa silang sabihin at nakatingin sila sa direksyon ni Argus na nakaupo sa may silong para hindi siya masinagan ng araw.
Humalakhak naman ang bampira nang mapagtanto niyang nasa kanya ang atensiyon ng mga tao. Tumayo ito at lumapit sa kinatatayuan ko.
"Ikinalulugod kong sabihin na ako ang inatasang mamuno sa dalawang angkan mula ngayon," naglahad siya ng kamay sa harap ko at tinitigan ko lang iyon.
Hinihintay kong magsabi siya na biro lang ito pero mukhang totoo nga. Sumagi rin sa utak ko na baka matunog ang pangalan ni Argus sa mga angkan kaya biglang sumunod ang bata sa kanya nang tanungin namin ito kahapon.
Hindi na rin masama dahil halos maubos ang enerhiya ko sa kanya noong nage-ensayo kami. Batak na batak ang katawan niya kaya hindi kaagad napapagod.
"Sigurado ka ba diyan? Baka naman inatasan mo lang ang sarili mo?" hindi ko napigilang kwestyunin pa rin ang sinabi niya dahil mabilis na ako ngayon mawalan ng tiwala.
Nagdilim ang paningin niya at ito ang unang beses na tiningnan niya ako ng ganito. Kadalasan kasing ako ang gumagawa noon sa kanya at panay lang ang tawa niya. Parang gusto ko na tuloy tahiin ang bibig ko dahil sa nasabi ko.
"Inatasan ko siya, Ester,"
Napalingon kami sa direksiyon kung saan nanggaling ang boses. Isang uugod-ugod na matandang lalaki ang tumambad sa gilid ko kaya muntik na akong atakihin sa gulat.
Hindi ko man lang naramdaman ang presensiya niya!
Maliit lang ito kaya yumuko ako upang magtanong pero hinaplos lang niya ang hubad kong ulo at ngumiti na parang wala ng mata.
BINABASA MO ANG
Core of Est | A Vampire Novel
VampireEster, the daughter of Dracula the Vampire and Alice the Witch, is the only one gifted with Immortality. In a world full of Assassins, Witches and Werewolves, her tower serves as her safe haven but the attackers are so persistent. Things will become...