ESTER'S POV
Hindi pa rin inaalis ni Argus ang tingin niya sa akin. Mga kulay pulang mata...
Napakurap-kurap ako at binalingan ng tingin si Clara upang tanungin, "Bakit alam ko kung ano ang kulay ng nasa paligid ko maliban sa kulay itim?" napansin ko ito noong banggitin ko ang kulay ng mata ni Clara, pati ang magic wand na hindi ko pa nakakapa mula sa kanya.
Nakakapagtaka nga naman. Bigla na lang kasing may pumapasok sa isip ko.
"Dinagdagan ko ang ninakaw kong power ng magic dust para gumana sa iyo ang 'recognition' spell. It sends signals to your brain kaya madali mong ma-process ang mga bagay at kulay. Kagaya ng paningin mo, wala na rin iyan kinabukasan," paliwanag niya.
"Pwede namang magtanong na lang ako sa'yo, pinahirapan mo pa ang sarili mo," suhestiyon ko.
"Payag ka mukha kang tanga? Tsaka ayokong tanong ka ng tanong. Ubos ang oras mo sa pag-alam kung dahon ba ito, ulap, o kung ano," masungit niyang dagdag sa tinuran ko.
Napangisi na lang ako sa sinabi niya at ibinaling na ulit ang mukha ko sa kaharap ko, "Lumayo ka nga! Magkapalit pa tayo ng mukha, ayokong maging panget ha," sabay tulak ng mukha niya at lumayo na ako.
"Yabang mo naman, nakakita ka lang," he sounded as if he's hurt. Acting skills sucks level 1.
"Clara, pasakan mo nga ang bibig ng isang iyan, sige hindi ako sasama mamaya," lumingon ako sa evil fairy ko pero mukhang wala akong mapapala dahil nakahiga na ito sa kama ko. Wew, pagod.
"Plano niyo pa lang pasukin ang baryo namin ah..." nag-introduce na naman siya ng panibagong topic.
Meaning, hahaba na naman ang usapan namin.
"Pakialam mo? Chismoso," ngayon, feel na feel ko na ang pag-irap sa kanya.
"May dalaw ka nga pala, yung supply ko ngayong araw wala pa," tumingin siya sa estatwa ni Queen Gustava at parang hinihintay ako.
"Kunin mo sa basurahan," wala ako sa mood na mag-entertain ng assassin. Pumunta na lang ako sa may aparador ko para tingnan ang mga damit ko.
Napabuntong hininga ako nang makita na puro puti ang damit ko, salamat sa sinasabing spell ni Clara.
"Sige na nga, kukunin ko na, nakakahiya naman sa bulag," halata mong may saltik siya dahil may pag-lipbite pa siyang nalalaman. Akala mo naman alam kung nasaan ang basurahan namin. Tanga talaga.
Pumasok ako sa loob ng palikuran para kunin dito ang mga naipon kong tampons. Naisip ko na rin na ibigay sa kanya para bawas basura sa tore ko. Ang talino mo talaga, Ester.
Sumilip ako sa labas at inilahad na lang niya ang dalawang kamay niya. Asa namag iaabot ko sa kanya ng maayos.
Nakaisip ako ng katarantaduhan at ito ay walang iba kundi ang pagbato ng mga ito isa-isa sa kanya.
"Oh ayan," bato ng isa, nasambot niya.
"Ito pa," sunod kong bato sa kanya, nasambot na niya.
Inilaglag ko na lag basta sa kinatatayuan ko ang huling tampon para maghirap siya.
"Ay nalaglag," ipinarinig ko sa kanya para kunwari ay hindi ko sinasadya. Dinala ko rin ang mga damit kong nasa loob ng palikuran para dalhin ito sa may labas.
"Wala na?" napakademanding mong assassin ka. Kitang may dala-dala akong mga damit e. Haha!
"Pulutin mo," nginuso ko ang tampon sa ibaba at nginitian siya para maasar o mapikon. Inilabas ko lang naman ang mga damit at ipapasok ko rin ito maya-maya kapag naglaho na siya sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Core of Est | A Vampire Novel
VampireEster, the daughter of Dracula the Vampire and Alice the Witch, is the only one gifted with Immortality. In a world full of Assassins, Witches and Werewolves, her tower serves as her safe haven but the attackers are so persistent. Things will become...