DALAWAMPU

68 6 0
                                    

ESTER'S POV

Nilisan niya ang lugar na parang wala siyang pakialam sa sinabi ko. Ni walang bakas ng pagkagulat dahil nalaman ko kung sino ang idinidikta ng puso niya at matagal na itong wala sa mundong ito.

Sa lahat pa ng magiging karibal ko, bakit siya pa? Hindi ko maatim na wala man lang akong laban sa isang taong matagal nang payapa.

Pinigilan ko na lamang ang sarili kong ubusin ang mga natitirang luha. Ngayong malayo sa akin ang estatwa ay kailangan kong maging malakas para harapin siya.

I closed my eyes and told to myself that I'm going to kill him one of these days. Siguro ito talaga ang nararapan para mapatay ko na rin ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Ester..."

Napalingon ako kay Neivi na kanina pang tahimik at parang may gusto sa aking sabihin. "Bakit?" maikling tanong ko.

"Sa totoo lang, permanente na ang paningin mo," maliit na ngiti ang gumuhit sa kanya pero kabaliktaran ito ng naramdaman ko.

"Pa--Ha? Mawawala rin ito dahil sa mahika!" kahapon lang ito naipataw sa akin kaya baka mamaya o bukas ay wala na rin ito.

Napayuko siya at nagsalita, "Mahirap paniwalaan, pero ibinigay ni Alice ang mga mata niya para sa'yo kahapon," hindi ko gaanong ma-digest ang mga sinasabi niya at nagmistulan ang mga ito na biro.

Hinintay ko siyang tapusin ang lahat ng gusto niyang sabihin at tama nga ako dahil may kasunod pa ang mga ito.

"Matagal nang bulag si Alice, Ester. Ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng paningin..." tumingin siya sa akin ng diretso at unti-unti akong nilapitan.

"...ay dahil ibinigay ni Gustava ang paningin niya bago niya lisanin sina Dracula," napahawak ako sa aking mga mata at namuo ang realisasyon sa aking utak.

Nasa akin ang mga mata niya, pati na rin ang puso niya. Pero bakit kailangang sa akin niya ibigay?

"Hindi ko mawari kung bakit ako at bakit hindi na lang sa ibang nilalang...hindi ko deserve na mabuhay, Neivi. Si...Princess Haria? Iyong anak ni Mother Alice kay Sorcerer Baine? Sana siya na lang!" naalala kong bulag din ang kapatid kong iyon na matagal kong kinalimutan dahil iyon ang utos ni Father Dracula noon.

Halos isang taon lang ang lang ko sa kanya at malaki na rin siya, panigurado.

"Mas mahina ang puso mo at wala kang pag-asang magkaroong ng paningin kaya napili ni Alice na ikaw na lang ang bigyan lalo na at hindi ka niya laging nakakasama. Arugang-aruga niya ang kapatid mo kasama niya ngunit heto ka at inaatake ng ibang angkan kaya sa tingin mo, mali ba ang desisyon niya?" naiintindihan ko naman ang ipinupunto niya kaya pinawi ko ang mga iniisip ko tungkol sa dapat ay wala na ako rito.

Hindi dapat masayang ang sakripisyo nila sa akin kaya tatanggapin ko ang katotohanan para makapagsimula ng bago.

Natuloy na ang paggawa ko ng sarili kong bahay na matutuluyan sa ngayon para makasalba sa gabi at madaling araw na sasalubong sa akin maya-maya.

Kailangan kong isipin kung ano ang purpose ko para mabuhay nang ganito. Pagod na rin akong maging mahina sa mata ng iba. Hindi ako lumalaban pero nang matapos ang kasalan-patayan, buo na ang desisyon ko para maghiganti.

Kung ako ang problema ay dapat ako lang ang inaatake, hindi ang mga mahal ko sa buhay.

Ipinikit ko ang mga mata ko at niyakap ako ng malamig na hangin mula sa labas na nakapagbigay sa akin ng sarap sa pakiramdam.

Malalampasan ko rin ito.

--

"Anong ginagawa ng bampirang kagaya mo rito?!"

Core of Est | A Vampire NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon