Amara and Ilaria
"Where are you going unnie?" kakalabas ko lang ng pinto ng marinig ko ang tanong ni Eria sa akin. Nilingon ko siya bago ako lumapit sa kanila. Nagluluto si Ara ng hotdog habang si Gia ay tulog pa sa kwarto namin.
Nakaupo si Eria sa dining table at kumakain ng pandesal."Kila Amara, you know them?" I answered. Tumango siya. Umupo ako sa upuan na katapat niya.
"Ano gagawin mo dun Serena?" napalingon ako kay Ara, nakatalikod pa din siya dahil nagluluto. "Umm, nag text sila sa akin ngayon ngayon lang, they wanted to see me. They missed me, I think" nakita ko na tumango si ara. Kumuha ako ng pandesal.
Nag se-selpon na ngayon sa harapan ko si Eira habang kumakain. Inobserbahan ko siya at sa tingin ko pupunta siyang gym.
"Workout again?" I asked. Inangat nya ang titig sa akin bago ibinalik ang tingin sa selpon niya.
"Yup, actually a-araw arawin ko na. Wanna come?" sagot niya habang nakatitig sa akin. Umiling ako. May pupuntahan nga ako diba?
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko sa kwarto namin ni Gia. Tulog na tulog pa din siya. Ala sais palang naman ng umaga.
Kinuha ko ang alarm clock niya at ni reset ang alarm na dapat mamayang 9 pa. Inayos ko ito at nilagay sa 6:30 am. Tinignan ko ang watch ko. 6:28 am na pala. Napangisi ako.
Nag retouch muna ako at hinintay ang pagtunog ng alarm ni Gia. Nag alarm naman agad at unting unti siya nagising. Pinatay niya ito at natulog ulit. Naghintay muna ako ilang saglit bago ko siya ginulo.
"GIA! OH SHIT! alas-diyes na ng umaga tulog ka pa din?! Kanina pa alarm ng alarm yung alarm clock mo. Mygahd" kunwaring nawiwindang kong sambit.
Mag unat unat pa siya saglit at kukunin na sana ang alarm clock niya pero kinuha ko ito agad. "Look! It's 10 am in the morning!" Alam kong blurred ang paningin niya kaya hindi niya maaninag masyado ang orasan.
"W-wait, ba-bangon na ako" tumango ako at hindi binitawan ang alarm clock niya. Lumabas muna ako at nilagay sa dining table ang alarm clock niya.
"Ano yan?" tanong ni Ara tapos na siya magluto at nakaupo na sa dining table.
"Alarm clock"
"no, I mean bakit mo nilagay dyan?" mariing sambit ni Ara.
Ngumisi ako sa kanya.
"SERRREEENNNNAAAA!"
Tumakbo agad ako palabas ng condo. Actually yun lang hinihintay ko bago umalis. Bumaba ako at tumambad sa kin si Ilaria na nakangiti nasa tabi niya ang isang BMW na sasakyan.
Lumapit ako kaagad sa kanya at niyakap siya. "I miss you Serena" tumango lang ako sa kanya. Nilingon ko ang tao na nasa driver seat. Amara.
"Hi Amara!" bati ko. Ngumiti siya pabalik. "halina kayo! Pasok Serena" tumango ako at pumasok sa kotse ni amara.
Nasa back seat ako habang si Ilaria ay nasa passenger seat.
Dumiresto kami sa mall dahil yun ang gusto ni Ilaria. "Bibili lang ako ng clothes sa forever 21. May bagong labas kasi sila ng damit and I love it! See you sa KFC!" tumakbo na siya palayo sa amin. Nagkatinginan nalang kami ni Amara at nagpatuloy sa pag gagala.
Tropa ko din si Amara at Ilaria. Matagal na, actually nakilala ko si Amara Selen Philomena Mirella Arya sa isang restaurant. Sa province. Ninakawan siya ng isang lalaki at ako humabol. Naabutan ko yun tsaka binugbog ng lalaki. Nung una tinignan lang niya ako pero nung tumigil ako sa pagbugbog sa lalaki. Nagulat ako ng pinagsisipa at pinagsusuntok nya ang lalaki hanggang sa mawalan ng malay. Akala ko maarteng mayaman siya noon pero mukhang nagkamali ako. Nagpasalamat siya sa akin at naging mag kaibigan kami.
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Teen FictionSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...