POINT OF VIEW
ADIEONNakaupo lang ako dito sa bench. Inaalala ang mga kagaguhan ko at mga ginawa ni serena para sa akin.
"I love you and your mistake" buong niya sa akin habang yakap ako. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. I'm so lucky to have her in my arms.
Hinawakan niya ang aking pisngi at hinalikan ako sa labi. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Alam kong tanggap niya ako bilang ako. Siya ang unang tumanggap sa akin maliban sa pamilya ko. Naalala ko kasi yung bulungan sa akin ng mga tao na anak ako sa labas.
"So hindi talaga siya isang sorin?"
"Nakakahiya naman siya kung ganun"
"Anak pala siya sa labas?"
"I feel bad for him"
Simula ng araw na nagkausap kami ni Serena ay naging mailap nalang siya bigla. Isang araw pagkatapos namin ay nawala nalang siya parang bula. Pag magte-text ako sa kanya ay hindi naman siya nagrereply.
"Diba may date kayo?"
Tanong sa akin ni Ara.
Huh? Wala naman kaming date ah.
"Wala ah"
Nagtaka ang mukha niya.
"Nag paalam siya sa amin na may date raw kayo"
Kumalabog ang puso ko. May iba ba siya?
Tinalikuran ko na lang siya. Nakakunot ang noo ko habang naglalakad. Saan nanaman ba siya pumunta? Bakit wala siyang sinasabi sa akin?
Nag text ulit ako sa kanya. No response. I tried to call her pero wala rin. Nagaalala na ako.
Hinanap ko siya kila Amara at Ilaria. Nagpakita lang siya sa kanila.
Ilang araw na rin siyang wala. Hindi na rin siya pumapasok sa school kaya nagtatampo na talaga ako sa kanya.
Pumasok nga siya one time. Nalaman ko pa kila Eria. Nasa Dean siya kaya nagaalala ako. Pinuntahan ko siya doon.
"Love?"
Umiiyak siya at naawa ako sa kanya. Nawala agad ang pagtatampo ko sa kanya at niyakap ko siya. Umiyak siya ng umiyak sa akin.
"Are you okay? I miss you so much" buong ko sa kanya. Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Hinalikan ko siya sa ulo.
"I-i mi-miss you too"
I miss this girl.
Gusto ko sana magtanong sa kanya pero wag nalang siguro. Sabay kaming pumasok sa room at nanatili lang siyang tahimik kaya gumawa ako ng paraan para makuha.
"Psst"
Nakuha ang atensyon niya kaya nagsulat ako sa notebook.
Are you okay now?
Nabasa niya ito at napangiti siya. Napangiti rin ako. Ang tagal na rin simula ng makita ko ang ngiti niya. Nagsulat na rin siya sa notebook niya.
Yup. Ikaw?
Sumimaangot ako kunwari. Syempre, I'm not okay. Wala siya ng ilang araw at sobrang namimiss ko siya. Mag date kaya kami?
Nagsulat agad ako sa notebook.
Hindi, namiss kita eh. Date tayo?
Ngumiti siya pero napawi rin yun. Agad siyang nagsulat sa notebook.
Namiss din kita pero hindi ako pupunta sa date.
I knew it. She's hiding something. Tinalikuran ko na siya at hindi na nagsulat sa notebook. Nakakatampo siya sobra. Wala siyang sinasabi sa akin. Hindi rin siya halos nagpapakita.
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Fiksi RemajaSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...