Chapter 15

35 4 0
                                    

Pain

Hindi na ako umuwi ng suite namin pagkatapos ng nangyaring pagsigaw sa akin ni Eria, kung siya nagawa akong sigawan, paano pa kaya yung dalawa?

Sa bahay muna ako ni Daniel tumuloy pansamantala. Buti nalang pumayag siya. Wala namang malisya eh.

I tried to explain to Eria pero hindi niya ako pinansin kaya hinayaan ko na lang siya. Nakita ko rin si Ara at si Gia pero hindi ko na sila pinansin. Baka hindi lang nila ako pansinin.

Si Adieon?

"Loooooovvvvvvvveeeeeee!!!!!!"

Ayan po siya, hindi niya ako natiis kaya siya ang nakipagbati sa akin. Hindi na raw niya kayang mawalay sa akin at nagso-sorry din siya sa pagiging attitude niya. Hindi na niya ako kinulit makipag date at tsaka hindi na rin niya ako tinanong sa mga ginagawa ko. Mas okay na rin yun.

Nilingon ko siya, "Oh?"

Ngumiti siya sa akin at nilabas mula sa likod niya ang isang kulay puting rose. "Ano yan?"

"Bulaklak! Ano ba 'to? Pera?"

Napahinto ako sa sinabi niya. Ako na ang patay na patay sa pera. Si Serena na. Ako na teh!

"Hoy!"

"Bakit ka ba kasi may dalang ganyan?!"

"Bakit? Bawal bang bigyan ng bulaklak ang pinakamamahal kong babae ha?"

Napangiti ako. Kinikilig ako amp. Tinanggap ko ang bulaklak mula sa kanya. "Thank you"

Nandito kasi kami sa garden. Tahimik lang at kaming dalawa lang nandito. Tumabi siya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.

"I miss yooooouuu!" sigaw niya tsaka ako kiniliti.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAH!"

"I miss youuuuu! I lovveee yooouu!"

"HAHAHAHAHHA"

"Iiiiiiii lllllooovvveeee yoooouuu"

"HAHAHAHHAHAHAHAAHAHAHAH"

Sa wakas itinigil na rin nya ang pagkiliti sa akin. Hayop talaga 'to!

"Gago ka talaga!" sigaw ko sa kanya.

"Gago ka talaga!" gaya nya sa sinabi ko pati boses..

Amp.

Hinampas ko siya at kinurot sa tagiliran. "Ano ba ginagawa mo dito? Akala ko ba may gagawin ka?"

"May gagawin nga ako! Pero mamaya na, namiss kita eh"

Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Okay? Bakit sobrang clingy neto sa akin?

"May kailangan ka 'no?!"

Bumitiw siya sa akin sa pagyakap. "Oo!" honest niyang sagot. Ay,hindi manlang umangal.

"Ano?! Ano?!" nakangiting tanong ko.

"Atensyon mo"

Napawi ang ngiti ko.

Nakita ko na lumungkot ang mata niya at Napawi na rin ang ngiti niya. "Alam ko na dapat hindi kita tinatanong sa bagay na ito, pero.. Bakit ka wala lagi? Bakit hindi mo sabihin sa akin? May karapatan naman siguro akong malaman kung sakali diba? Ako pa naman yung boyfriend mo diba?"

Napahinto ako. Para akong naputulan ng hininga sa sinasabi niya, I feel blank. Hindi ko siya masagot. I didn't know what to say.

"Ikaw ang boyfriend ko" sagot ko.

"Then who's Daniel?"

Nanlaki ang mata ko. Paano niya nakilala si Daniel? Mag kakilala ba sila? Magka ano ano ba sila? Hindi naman sinabi sa akin ni Daniel na kilala niya si Adieon.

Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon