Jealous as a friend
Pasukan na!!! Yehey! Excited na ako pumasok sa school ngayon. Maaga kaming nagising lahat at nakaalis. Pagdating sa UST ay nakahiwa-hiwalay na kami. Nasa ibang building kasi ang ABM, malayo sa STEM.
Hinanap namin ni Eira yung room namin at buti naman hindi mahirap hanapin. Pumasok kami at kaming dalawa palang ni Eira sa loob. Maaga yata kami masyado.
"Tabi tayo" sambit ko kay Eira. Tumango siya at umupo sa dulo sa tabi ng bintana. Sumunod ako at tumabi sa kanya. Nagsuot siya ng earphone at nag music. Ako naman ay kinuha ang libro ko na araw araw ko binabasa pag magbasa.
Hindi namin namalayan ang oras at dumami na ang tao sa loob. Mayayaman, yun lang masasabi ko. Base sa itsura at gamit nila. Walang wala ako kumpara sa kanila pero okay lang. Mas maganda naman ako.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa at hindi na sila pinansin pero nagulat ako ng may tumawag sa akin na pasigaw.
"SEREEEEENNNNAAAAA!!"
Lahat ng mga kaklase namin napatingin sa kanya pati na rin si Eira. Adieon mygahd.
Lumapit siya sa kinauupuan namin at umupo sa tapat ko. Katabi niya ang isang weirdo na nerd na tahimik lang at hindi nagsasalita.
"Goodmorning!" masaya niyang bati. Simula ng nagchat kami, lagi na kami nagkikita. Lagi niya kasi ako pinupuntahan sa trabaho ko at kinukulit ako. Naging mas close kami at mas makulit na siya ngayon. Siguro sobrang comfortable na siya sa akin.
Naalala ko pa one time ng mabuhusan ko siya ng juice sa mukha pero kaysa magalit sa akin ay tuwang tuwa pa siya. "ayos lang basta sa akin ka nahulog" hindi ko gets yun kasi ang nahulog sa kanya ay yung juice, hindi ako. Weird.
"Goodmorning den, hindi mo kailangan sumigaw teh, nakakahiya ka" sambit ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.
"Kala ko kasi naka airpods ka nanaman kaya nilakasan ko para marinig mo ko. Diba?" ngumiti na lang ako. "ang kulit mo"
"sayo lang"
Hindi ko na siya pinansin at nagbasa na lang ako. Hindi naman nya ako ginulo kasi alam niya pag nagbabasa ako, ayaw ko na iniistorbo ako.
Maya maya lang ay dumating na ang teacher namin. Ms. Guevara. Adviser namin. Gen math. Hays. Nagsimula na ang klase at panay ang tingin sa akin ni adieon. Nasa tapat ko kasi siya at nasa likuran niya ako.
Natawa ako sa kanya na may isinulat siya notebook niya at ipinakita sa akin.
Cute mo maging seryoso
Ngumiti ako. Nagsulat din ako sa notebook. Lumingon siya sa akin at nagulat siya sa sinulat ko.
Nakatingin si ma'am sayo. Huli ka.
Lumingon agad siya pero nakita niya na hindi naman siya nakatingin. Natawa ako dahil inirapan niya ako. Attitude.
Nagsulat ulit siya sa notebook niya.
Di tayo bati -, -
Napangisi ako ng kaunti. Nagsulat ulit ako sa notebook at lumingon naman siya sa akin.
Bakit ka lumingon? Kala ko di tayo bati?
Sumimangot siya kaagad at hindi na lumingon. Kinlabit ko pa siya pero nagulat ako ng kurutin ako sa tagiliran ni Eira.
"Wag masyado maharot. Mahahalata kayo" bulong niya sa akin. Tumango ako sa kanya pero nakita ko may kachat siya sa selpon niya.
"Flirt #32?" tanong ko.
"No. 35" sagot niya. Nag pout na lang ako at nakinig sa teacher namin.
Pagdating ng break time ay naunang lumabas si Eira sa akin. Hindi manlang ako hinintay pero hinayaan ko na lang.
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Teen FictionSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...