Chapter 9

42 5 0
                                    

Birthday

Naging masaya ako sa bawat araw na naging kami ni adieon pero syempre, hindi talaga mawawala ang mga awayan sa isang relasyon katulad na nga lang ngayon.

"I'm sorry na nga love eh. Busy ako sa basketball ko, I'm sorry. Babawi ako sayo please?" I understand naman lagi eh pero kasi birthday ko ngayon. Syempre lahat ng kaibigan ko naalala yun pati ng family ko.

Sobrang sakit lang ng makalimutan niya ang araw na sinilang ako.

"date tayo mamaya? Ayos ba yun?" nag pout lang ako sa kanya. Masyado na akong rumurupok sa kanya. Unting unti akong tumango.

Hinalikan niya ako sa pisnge at kinindatan ako. "Anong ora--" naputol ang pagtatanong ko ng biglang may nag interrupt sa aming dalawa.

"Adieon! Let's go! Tawag ka na ni couch!"

"Sige sandali lang! Paalam lang ako sa kanya!"

"Sige! Naol!"

Tumawa siya at nilingon ako. "May sinasabi ka?"

"An--"

"Adieon! Ang bagal mo! Nagtra-traning tayo!"

"Wait lang couch!"

Tinulak ko na siya. "Pumunta ka na kay couch. Uuwi na rin naman na ako" ngumiti ako sakanya. Sinet aside ang pagtatampo ko.

"Talaga? Hindi ka galit?" umiling ako. Hinalikan niya ako sa noo at sa lips bago tumakbo sa couch niya. Kumaway siya sa akin at Kumaway din ako pabalik.

Umalis na ako sa court dahil alam ko sasabog na ako. Simula kasi na pumasok siya sa basketball team ay nawawalan na siya ng time sa akin pero ayos lang yun. Pinalampas ko ang bawat araw na hindi siya kasama kahit 1st Anniversary namin. Pinilit ko pa nga siya nun na hindi pumunta sa practice para sa akin. Napapayag ko naman kaso kinabukasan pinagalitan siya kaya hindi ko na inulit.

Pero kasi... Birthday ko ngayon! Mygahd! Araw araw ko pinapaalala na malapit na ang birthday ko pero ngayon? Andami ng bumati sa akin pero siya wlaa parin. Magkasama lang kami kanina pero hindi niya ako binati. Ayoko ipaalala sa kanya na birthday ko ngayon. Dinalhan ko siya ng tubig at pagkain sa court. Tuwang tuwa siya na makita ako. Sinabi ko sa kanya kung anong special ngayon kaso hindi daw niya maalala. Nagalit ako sa kanya pero nag sorry naman siya. Kita nyo naman. Hmp.

Sumakay ako ng kotse at nandoon na silang tatlo. Ako yung driver.

"oh? Anong plano nyo ni adieon?" tanong ni Ara. Umiling ako. Pinaandar ko na ang kotse.

"Wala? Bakit wala?" tanong ni Gia. "I don't know" sagot ko at ngumiti sa kanila.

"Hindi ka nagtatampo serena?" tanong ni Eria. Umiling ako. "Bakit ako magtatampo?"

"Binati ka manlang ba niya ng happy birthday?" tanong ulit ni Ara. "Nope"

"Luh bhie" rinig kong sabat ni Gia.

"tumigil nga kayo sa kakatanong. SOCO?" nakangiting saway ko sa kanila.

"Yung ngiti mo ang fake kasing fake mo" natahimik ang paligid. Kumalabog ang puso ko pero hindi ko ininda yun. Tinignan ko na lang sa mata si Gia na seryoso din nakatingin sa akin.

"Ngumiti pa nga" umiling siya.

"Away ba 'to?" tanong ni Eria.

"Walang awayan mga pre" angal ni Ara.

"Hoy! Okay lang talaga ako mga pre! I'm super duper pretty fine. Wag nga kayong mag alala sa akin" ngising sambit ko sa kanila.

Umiling lang si Gia at humalukipkip. Si Ara tumingin na lang sa bintana at si Eria naman ay nagselpon.

Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon