Chapter 26

40 2 0
                                    

The Two

Amara POV.

Hello mga betlog, so nandito ako sa tapat ng condominium ni serena para sampalin siya dahil hindi niya sinabi na babalik siya, kupal siya.

*too tok tok tok*

Bumukas ang pinto at ang bumungad sa akin ay isang batang babae na kamukha ni Serena. Ito ba yung anak nila ni Dame? Taray ah ang ganda. Mana sa tatay. Oo, sa tatay. Panget si serena eh.

"Hello po! Ako po si Charis, sino po kayo tita ganda?"

Natawa naman ako sa sinabi ng Bata.

"Ako si Amara, kaibigan ako ng mommy at daddy mo. Andyan ba sila?"

Tumingin ang bata sa loob tsaka ako nilingon. "nasa kwarto po eh, nagbibihis"

"Pwedeng pumasok?"

"Okay po"

Pinapasok niya ako sa loob at pinaupo sa sofa.

Kumuha siya ng tubig at binigay sa akin. "thank you!"

"welcome po tita Amara"

"Mas bet ko yung tita Ganda"

Napatawa siya. "Sige po, tita ganda nalang"

Nag apir pa kaming dalawa. Oh ganda ko talaga!

Bumukas ang pinto ng isang kwarto at lumabas naman dito si Dame. Nakita niya ako at nginitian. "Nakadating ka rin Amara"

Napatayo ako. "Naku Dame ah! Madami kang ikwe-kwento sa akin!"

Tumango siya at lumapit sa akin. Nag fist bump kami at niyakap niya ako. "Namiss ko kadaldalan mo"

Napahampas ko tuloy siya sa braso. "Hoy gago ka, may asawa ka. Hindi tayo talo"

"Assuming kang bakla ka"

Napatanggal ako sa pagyakap ni Dame at nilingon ang nagsalita. Nagtaas ako ng kilay ng makita si serena. "Aba, aba, aba"

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya. Nakangisi lang siya sa akin pero walang emosyon ang mga mata. Tsk. Hindi talaga nagbabago ang baklang 'to.

Magkalapit na kaming dalawa ng sasampalin ko sana siya ng maunahan niya ang kamay ko at siya ang nakasampal sa mukha ko. "I know everything bitch" malamig na sabi niya.

Napangisi ako at nakaramdam ng lungkot. "I can explain"

Inakbayan niya ako bigla..

Ilaria POV.

Nandito na ako sa tapat ng condominium ni serena, kung saan ko siya makikita ulit pagkatapos ng sampung taon.

Finally, makakapag sorry na rin ako sa bruhang 'yon. Hampaslupa siya!

Kumatok ako pero walang sumagot. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto at iyak ni Amara ang narinig ko. Binuksan ko ang pinto at laking pasasalamat ko na mabuksan ko ito.

Bumungad sa akin si Amara at Serena na naguusap kasama ang isang poging lalaki na nakaakbay kay serena tapos isang batang babae na kumakain sa dining room.

Napalingon silang lahat sa akin. "Um? Hi?" alinlangang bati ko. Tumayo si Serena at lumapit sa akin para yakapin ako. "Hindi ka na galit?"

Dahil sa sinabi niya ay napaluha ako. "I'm sorry"

Serena POV.

"Paano niyo nalaman na nandito na ako sa pilipinas?"

"Kay Dame"

Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon