Why?
1 month...
Napatingin ako sa langit pagkatapos nang pag uusap namin ni Adieon. Ang sakit. Bakit ganun? Ginawa ko naman ang lahat ah? Ginawa ko ang lahat para sa kanya? The fuck why?
1 month earlier...
Andito ako sa kwarto ni Dame and we did it again. Yes, again.
"Eto"
Inabot niya sa akin ang isang black card.
"Ano yan?" tanong ko sa kanya. Nakahubad pa ako pati siya at nasa kama parin kami.
"My atm card. Umuwi ka muna sa inyo, dalhin mo ang kapatid mo dito sa maynila. Tutulong ako"
Inilayo ko ang atm card nya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo, I'm sorry"
"you sure? I can help"
Tinitigan ko siya. "Tumigil ka sa pagiging mabait mo okay? Hindi yan gagana sa akin"
Hindi siya nag react. Tumayo na ako at kinuha ang mga damit ko mula sa sahig. "Hindi ka ba napapagod?" tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Sino ba siya? Siya lang naman ang ka-fuck buddy ko para sa pera. I'm his sex slave. No connection. No strings. Kaya dapat talaga maglagay ako ng pader sa aming dalawa.
"Hey? Bakit ba ang cold mo sa akin?"
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Bakit? I'm just your fuck buddy right? Sex slave? Kailangan ba ientertain pa kita? Kailangan ba patawanin kita? Alagaan kita? Kai--"
"Sapat ka na"
Hinagis ko ang mga kumot sa kanya. "Tangina mo!"
Nagbihis na ako at lumabas sa kwarto nya. Pumunta ako kay Amara para humingi ng tulong sa kanya. Pagdating ko doon ay nakita ko pang nagtatawanan sila ni Daniel. Umirap ako. May atraso sa akin itong si Daniel. Tangina niya.
"Ano ginagawa mo dito aber?"
"Bakit kayo naglalandian aber? May label?"
Inirapan ako ni Amara at hinagisan ng unan mula sa sofa. "Gaga, ano nga?"
"May sakit si Hanna"
Nanlaki ang mata niya at lumapit sa akin. "Weh? Tologo bo?" binatukan ko siya. Mukha siyang tobol.
"Aray!"
"Totoo ang sinasabi ko! Nasagasaan ang kapatid ko! Kailangan siyang dalhin dito sa maynila! Tulungan mo ko makauwi please?"
Napahinto siya at tinitigan pa ako bago tumango. "Ngayon ba?"
Tumango ako. Umakyat agad siya sa taas para siguro kumuha ng damit niya at ng pera pati na rin yung susi.
"Sino nagsabi sayo?"
Nilingon ko si Daniel at malakas siyang binatukan. "Tangina mo talaga eh 'no? Bakit sinabi mo kay XX yung problema ko? Bobo ka ba?"
"Aray ah! Masakit batok mo! Bakit? Bawal sabihin? Nagtanong sa akin eh! Mukha ngang may gusto sayo eh!" sinapak ko siya.
"Tarantado ka talaga eh' no?!"
"Bakit ba?! Ano ginawa ba sayo nun? Sasapakin ko na ba?"
"Nagdidilim paningin ko sayo Daniel! Umalis ka sa harapan ko baka mapatay kita"
"Hoy! Chill ka lang"
Inirapan ko siya tsaka tinalikuran. "Layuan mo ko Daniel! Hindi ako natutuwa sayo!"
"Oo na! Oo na!"
Umupo ako sa sofa. Biglang may tumawag sa selpon ko at sinagot ko naman ito. Si Ara. Bakit kaya ako tinatawagan nito? Ang tagal na rin simula ng mag usap kami ah.
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Teen FictionSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...