Chapter 11

35 5 0
                                    

The beginning

"ayos ka lang ba?" tanong ko kay Adieon. Hindi siya sumagot. Nakasandal lang siya sa kotse niya at nakayuko.

Yumuko ako at inuntog ang ulo ko sa dibdib nya. "Kung ano man ang problema mo, sabihin mo sa akin. Maiintindihan ko" inaangat ko ang ulo ko sa kanya at tinignan ang mata niya na nasa kawalan. Nakayuko pa din siya.

"I love you and your mistakes"bulong ko sa kanya at hinalikan siya sa labi. Hinawakan ko pa ang pisngi nya bago ko siya iniwan at umakyat sa suite namin.

Bumigat ang pakiramdam ko. Alam ko na may mali. Alam ko talaga, pero siguro may dahilan. Lahat naman may dahilan pero kaya ko ba yung dahilan?

Pagdating sa suite namin ay tumambad sa akin ang dalawa na mahimbing na natutulog sa sofa. Kala kalat yung mga papel nila sa sahig at mukhang hindi pa natapos. Kumuha ako ng kumot sa cabinet at kinumutan ang dalawa. Inayos ko ang mga papel at nagwalis.

Papasok na sana ako sa kwarto namin ni Gia ng biglang bumukas ang pinto.

Nilingon ko ito at nakita ko si Eria na lasing na lasing. "Eria?"

"UNNIE! HELLO!" sigaw niya sa akin at humagikgik. Lumapit ako sa kanya.

"Naglasing ka? Why? May nangyare nanaman ba sa inyo?"

"Hehehe! Sha amensh? Welash kaya nengyashi" nilagay ko ang kanang kamay niya sa balikat ko at binuhat.

"Dadalhin na kita sa kwarto mo" dinala ko siya sa kwarto niya at inihiga. "Kaya ko namen esh"

Umiling ako. "Wag mo pilitin, hindi mo kaya. Kailangan mo din maging mahina at kumuha ng lakas mula sa amin. Isipin mo din ang sarili mo, ask yourself kung ayos ka lang at kung kaya mo pa, at kung hindi mo na kaya, let me do it. I will do it for you lil siz" sambit ko sa kanya. Nanahimik siya at tinitigan ako..

"Pahinga ka na, goodnight" iniwan ko siya sa kwarto nila ara. Kailangan niya makapagpahinga at makapag isip ng maayos.

Nilock ko ang pinto namin at dumiresto sa kwarto. Nag half bath lang ako tsaka humiga sa kama.

Tumunganga ako sa kisame.

Sino si denice? Ano kaya ginagawa nila ni Adieon dati? Mas better ba siya kaysa sa akin? Mas maganda ba kaysa sa akin? Mas cute ba yun? Mas minahal ba ni adieon yun kaysa sa akin? Bakit sila naghiwalay? Sinaktan ba niya si Adieon? Ilang taon ang relasyon nila? Bakit kilala ng magulang niya si denice? Ibig sabihin ba pinakilala na din ni adieon si denice sa kanila? Eh kanina? Bakit problemado si adieon? Dahil ba dumating ang pamilya ni denice? Bakit? Anong meron? Bakit dumating ang pamilya ni denice? Ano ginagawa nila sa bahay ng mga sorin? Mag kakilala ba ang pamilya ni denice at ang mga sorin?

Napasabunot ako ng ulo. Nag ooverthink nanaman ako. Sumakit ang ulo ko. Kumalma ka serena. Kumalma ka!

Si Eria? Bakit naglasing siya? Ano kaya nangyare? Nasaktan nanaman ba siya? Bakit hindi niya sinasabi? Bakit siya umaalis lagi? Alam ko na hinihintay ko lang siya magsalita pero tangina nagaalala ako!

Si Gia? Bakit may pa rebound? Bakit hindi siya nagsabi? Bakit wala akong alam? Dahil ba busy ako kay Adieon? Nakalimutan ko na ba sila? Iniisip ko nanaman ba sarili ko? Hindi ko na ba sila nabibigyan ng atensyon? Ako yung ate nila pero bakit ang dami kong hindi alam sa kanila? Si Ara, lately hindi na kami naguusap, masyado na kasi siya busy sa studies niya at ako kay Adieon. Kamusta kaya siya?

Argh!

Nakakainis!

Hindi ko makontrol ang utak ko!

Kailangan ko nang matulog!

Nilingon ko ang orasan. 11:57 pm.

Shit maghahating gabi na!

Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon