Serena
Summer. May 1
"Ssssseeerrrreeennnnnaaaa!!!"
Antok akong bumangon sa higaan ko. Kinusot kusot ko pa ang mukha ko bago dahan dahan tumayo.
*tok tok tok tok tok tok tok*
Napatingin ako sa pinto.
"Gising na ako" bulong ko. Pumasok na agad ako ng Cr. Naligo agad ako at nagbihis na. Nagsuot lang ako ng jeans at white t shirt. Nagsuot den ako ng black jacket and Nike shoes.
"SERENA GISING KA NA BA?!" kakalabas ko lang ng pintuan ng marinig ang sigaw ng pinakamamahal kong Ina.
"yup" Alam ko mahina lang ang pagkakasabi ko pero hayaan mo na. Kinuha ko ang malaki kong bag na punong puno ng damit ko at gamit ko.
"Sere--"
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang nanay ko na may hawak pang sandok.
"Hi mom, good morning" nilagpasan ko siya at bumaba na. Nakahanda na pala ang pagkain ko.
Itinabi ko muna sa sala ang mga gamit ko bago ako umupo. Nagsimula agad ako kumain na walang pinapansin ni isa sa kanila. Hello, kagigising ko lang.
"Anak, ingat ka sa maynila ah! Maraming lalaki dun"
"Naku naman Cynthia, hayaan mo na yang anak mo, dun lang naman siya maghi-highschool eh"
"Pero, anak, ayaw mo talaga dito? Bakit dun ka pa kasi?"
"Cynthia matalino ang anak mo, hindi siya bagay sa mga paaralan dito. Bagay ang utak niyan sa maynila"
"Pero?"
"Cynthia kasama niya ang tatlo niyang kaibigan doon. Wag kang magaalala. Mababait ang mga batang yun. Nangako naman sila na babantayan si Serena para sa atin"
"Edward nanonood ka ba ng SOCO? Naku, andaming babaeng pinapatay sa dorm dorm na yan"
"akala ko ba pumayag ka na? Bakit may pa SOCO SOCO ka pang malalaman ha?"
"Nagaalala lang naman ako sa anak mo"
"Para namang hindi na babalik iyan"
Tumayo na ako at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Hinugasan ko ito at uminom ng tubig. Nag toothbrush na ako bago ako humarap sa mga magulang ko.
"Magiingat ako mom, hindi ako tanga."kinuha ko ang bagahe ko at sumunod naman sa akin si dad.
"love you anak!" narinig kong sigaw ng nanay ko mula sa loob. I signed. Sana mapanatag na siya na magiging ayos lang ako doon.
Hinatid ako ni daddy sa bus station pero nagulat ako ng makita ang childhood best friend ko doon na umiiyak malapit sa bus na pagsasakyan ko. Nakaupo siya sa isang bench lumapit naman kami sa kanya.
Sitara Csilla Aingeal Ryker ang pinakamayamang babae dito sa probinsya namin. Pinsan ko siya actually pero mas mayaman ito sa akin pero kahit ganun, hindi naman siya mayabang katulad ng iba. Humble siya at friendly. Famous nga ito eh. #Themayamangpinsan
"Sitara, bakit nandito ka?" umiiyak pa din siya pero nagawa pa din niyang ngumiti sa amin ni daddy. "Mamimiss ko lang po itong babaeng 'to Tito" niyakap niya ako bigla at mas lumakas pa ang iyak niya. Hinigpitan niya ang yakap sa akin hanggang sa hindi ako makahinga pero hinayaan ko lang siya.
"May number ka sa akin ha! Pag may nagpaiyak sayo at may nanakit sayo dun sabihin mo sa akin kaagad. Nandito ako lagi sayo, kung kailangan kitang puntahan. Pupuntahan kita!" iyak pa din siya ng iyak. Ngayon lang kasi maghihiwalay ng matagal eh.
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Novela JuvenilSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...