Enrollment
"After natin mag enroll, maghahanap tayo ng jobs na pwede natin pasukan" Ara
"Diba, sa restaurant ni dad muna tayo? Hindi pa sila tumatanggap ng nga senior highschool students para magtrabaho" Gia
"Yup, I agree with Gia. Mas madaling makapasok doon kaysa maghanap pa tayo" Eira.
"Hmm, Tama kayo, ikaw Serena?" liningon ko silang lahat. Nakaupo kami sa dining table at kumakain. Sabay sabay kasi kami pupunta sa UST para mag enroll.
"Okay lang basta hindi taga luto" sagot ko. Tumango naman si Ara at Gia. Tinitigan lang ako ni Eira.
"Buti alam mo" sambit ni Gia. Tumawa sila. Pout.
Pagkatapos namin kumain ay deretso na kami umalis. Nakapagbihis na kasi kami bago kumain. Toothbrush nalang at alis na.
Sumakay kami sa kotse ni Eira at ako nag drive. Si Eira lang naman ang may kotse sa amin kaya ito lagi namin gagamitin para sa pagpasok.
"Gia and Ara" tawag ko sa dalawa.
"Yes?"
"hm?"
"Kailangan niyo matuto mag drive, hindi lagi nandyan si Eira or ako" sambit ko. Tumango sila sa akin bilang tugon. Pagdating namin sa UST ay pumasok agad kami at nag enroll.
Hindi naman kami nag tagal kasi scholar naman kaming apat. Luckily, magkaklase kami ni Eira at si Gia and Ara ang magkaklase.
STEM 1-A ang section ko pati ni Eira.
ABM 8-A ang section ni Ara and Gia.
Goodluck samin. Hindi naman kami nag tagal doon at pumunta na sa restaurant ng papa ni Gia. Magaling magluto ang papa niya at mama niya. Nakakagulat nga ng wala manlang namana si Gia sa pagluluto. Siguro ampon yun.
Pagdating namin ay as usual, punuan ang loob. Malaki naman kasi ang restaurant nila at ang elegant tignan. Masasarap din ang pagkain nila dito. Proven and tested. Pumunta kami sa head chef office at natagpuan namin doon ang papa ni Gia na super busy.
"Hi pa!" bati ni Gia. Nag angat siya ng tingin sa amin at bumati din pabalik. Lumapit si Gia sa kanya at yumakap.
"Gia doesn't sweet like that when she with us. I'm jealous" bulong sa akin ni Eira. Napatawa ako ng onti. "Arte mo" sagot ko na lang. Nagpout nalang siya.
"Hello Eira, Ara and Serena"
"Hello Tito!" lumapit kami at yumakap din sa kanya. "Oh? So plano nyo mag part time dito?" Tumango kami. "oh siya, hali kayo, ngayon na kayo magsisimula" nagulat kami sa sinabi ng papa ni Gia pero hindi na kami umangal.
Si Eira at ako ay waitress habang si Gia ang nag ta-take ng order, si Ara ang nasa kusina. Hindi taga luto. Taga hugas pinggan HAHAHA!
Natapos ang shift ko at si Eira sumunod. Nakakapagod pala mag waitress lalo na pag sobrang daming kumakain. Nakakaistress ah.
"Hey"
Lumingon ako sa nagsalita. Adieon.
"Oh?" nakaupo ako sa isa sa mga high stool na upuan dito. Tumabi naman siya sa akin. Naka simpleng t-shirt siya at black pants, pero ang nagbigay pansin sa akin ang necklace niya na Jesus design. Makadiyos?
"Tumititig ka nanaman sa akin. Gusto mo talaga ako eh 'no?" tinignan ko siya sa mata ng walang expression. "Tinitignan ko ang necklace mo tsaka sino ba chat ng chat kagabi? Ako ba?"
Tinignan niya ang necklace niya bago bumaling ulit sa akin. Ngumiti siya. "Hindi ka na nga nag reply. Tsaka kanina, gusto ko sana sumabay sayo mag enroll"
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Teen FictionSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...