The Family, New problem
Hindi pa rin kami halos naguusap ni Dame pero alam kong busy siya ngayon. Hindi ko siya matignan manlang pero sa tuwing natutulog ako ay naririnig ko ang bawat 'sorry' niya sa akin.
Katulad nalang ngayon, narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mga hakbang niya papunta sa pwesto ko. Hinalikan niya ako sa noo. Naamoy ko ang alak sa kanya kaya napadilat ako. Nagulat siya pero nginitian niya ako.
"Nagising ko yata ang reyna ko" malambing na sabi niya sa akin.
Tinitigan ko lang siya.
"Amoy alak ka, bakit ka uminom?" mataray na tanong ko sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya tsaka umalis sa harapan ko. Tumayo ko at sinundan siya. "Bakit ayaw mo ko sagutin?"
"I'm tired" mahinang sagot niya habang nakatalikod sa akin. Inaalis alis niya ang necktie niya pero mukhang nahihirapan siya rito kaya nilapitan ko siya at ako na ang nag tanggal.
"Thank you"
Tumango na lamang ako at bumalik na lang sa higaan. Kung ayaw niya magsalita, edi wag. Kung may tiwala siya sakin, magsasabi siya mismo. Hindi ko na siya kailangan pilitin.
"Baby" rinig kong bulong niya sa hangin.
"You need to sleep, pagod ka diba?" ipinikit ko ang mata ko at pinilit makatulog. Ilang minuto ang lumipas at tumabi na rin siya sa akin at niyakap ako. "Magiging maayos din ang lahat baby. Pangako ko 'yan"
Humarap ako sa kanya. "If you want to fix this mess. I want to help. I'm your wife, I'm your half soul so please, answer my damn questions Dame" kakasabi ko lang kanina na hindi ko siya pipilitin tapos ano ngayon ang ginagawa ko? Peste.
Huminga siya ng malalim. "Denice filed a case against you" sagot niya na ikinabigla ko.
"What?!"
"Yeah, kahit hindi naman ikaw ang pumatay kay Adieon, ikaw ang binibintang niya dahil sayo huling pumunta si Adieon bago ko siya patayin" naging malamig ang boses niya at matigas.
"Ano plano mo?"
"I already fix that"
Napakunot noo ako. "How?"
"I killed Denice"
Napaupo ako bigla sa narinig ko. Tila nabingi yata ako. "WHAT?!"
Nginisan niya ako. "Just kidding. I didn't killed her" hinampas ko naman siya at natawa lamang siya roon.
"Anong ginawa mo?" tanong ko.
"Siya ang ikinulong ko" nagulat ako sa sinabi niya. "What?!"
"Yeah, naalala mo yung panahon na binigyan mo yung 4 billion kay Mr. Marasigan na galing sa akin?" napatango ako sa sinabi niya.
"Gumawa talaga ako ng paraan para malaman ng mga pulis na ang perang iyon ay peke. A fake money na pinambayad niya sa mga utang niya"
"Wait, hindi ko gets. Pekeng pera ang binigay mo sa akin? Pero bakit sabi ni Mr. Marasigan na bayad na ako? Syempre titignan muna iyon bago niya kuhanin sa akin"
"Yup, totoong pera ang binigay mo pero nang makauwi sila ng pamilya niya after the Engagement party, pinalitan ko kaagad ito ng fake money, kaya ako umalis nung panahon na iyon"
"So? Anong nangyari kay Mr. Marasigan?"
Malaki pa rin talaga ang galit ko kay Mr. Marasigan kaya wala siguro akong nararamdaman na awa sa kanya. He ruined my life.
"He died bago pa malaman ng pulis na pekeng pera ang gamit niya"
"Ikaw ang pumatay sa kanya?"
Walang alinlangan siyang tumango sa akin.
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Fiksi RemajaSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...