Note: One last chapter then epilogue. 😊
Let me feel you pain.
Adieon POV.
Yeah, I know patay na ako. Bakit nandito pa ako? Syempre, I want you all to hear my side so please, hear me out.
Bata pa lang ako ay masayahin na talaga ako kahit na nagkasakit ako, masaya ako. Mabait kasi mga magulang ko pati na rin ang ate ko.
Hindi sila nagkulang sa akin. Lahat ng kailangan ko ay binigay nila kaya hindi ko sila masisisi kung maglilihim sila sa akin.
Senior highschool..
Nakilala ko si Serenaide Adiode Charis Maiden. She's a unique girl. Kinulit ko siya at kinuha ang atensyon niya hanggang naging close kami. Sa totoo lang, naatract lang talaga ako sa kanya pero hindi ako makapaniwala na hindi na lang pala attraction ang nakikita ko sa kanya.
I'm falling for her..
Ng magsama silang dalawa ni Jester ay doon ko napagtanto ang nararamdaman ko. Naiinis ako dahil wala akong magawa para sa kanya.
"Khione! Sige na! Gusto ko sana siya masolo!"
Tinalikuran niya ako. "At bakit naman kita tutulungan aber?"
"Kasi kaibigan ka ni Serena at close kayo?"
Hindi pa rin niya ako hinarap. "Ililibre kita"
Unting unti siya humarap at ngumiti sa akin. "Anong plano?"
Tinulungan nila ako na makasama siya sa kotse. Nagpatugtog ako at kinantahan ko pa siya. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya, ang saya niya at dahil doon ay masaya na rin ako.
"Panalo ka na"
Para akong nanalo sa lotto sa nalaman ko!
"Tayo na?!"
Malapad siyang ngumiti sa akin. "Ayaw mo ba?"
Hinila ko kaagad siya at niyakap sa mga bisig ko. "THANK YOUUU! I LOVE YOU SO MUCH!"
Sobrang bilis na naging kami. Sobrang bilis din ng problema namin.
Lagi nalang siya walang paramdam at ito naman ako na palaging naghihintay sa kanya. Masisisi n'yo ba ako kung ano ano iisipin ko? Wala siya lagi at kung ano ano pa naririnig ko mula sa kanya. May kasama siyang ibang lalaki maliban sa akin. Sinusubukan ko siyang suyuin pero wala pa rin. Sinusubukan kong magtanong pero nganga.
Nabuntis ko si Denice and I felt guilty. Pinili ko si serena pero hindi ko pwedeng talikuran ang anak ko.
Umiiyak na ngayon sa harapan ko si serena at sinabi niya sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung ano pa dapat ang maramdaman ko.
Mahal ko 'to eh.
Siya ang girlfriend ko.
Ginawa niya ang lahat para hindi kami maghiwalay pero mas pinili kong mag loko.
Sinayang ko ang paghihirap niya.
I'm not worth it.
Sising sisi ako ng mawala siya. Full of regrets enter my peaceful mind. I miss her.
Lumabas ang anak namin at isa sa mga pangalan ni Serena ang pinangalan ko sa kanya.
Mabait ang anak ko.
Sweet and caring son.
Weak and a crying baby but I love him.
Sa nakalipas na mga taon ay pinilit kong mag move on at mahalin si Denice at pagtuonan ng pansin ang panganay ko.
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Teen FictionSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...