Chapter 19

31 5 0
                                    

The truth

"I don't understand!"

Nakatulala lang ako habang nagsasalita si Amara sa pagmumukha ko.

"He got engaged! Wala ka bang gagawin?! Nabayaran mo na diba?!"

"H-he played dirty" malamig na sabi ko. Bigla naman niyang hinampas ang pintuan ng kwarto ni Ricardo.

"Yang Mr. Marasigan! Gago ba siya?! Gago siya! Pag nagkita kaming dalawa nun! Ihuhulog ko siya sa tulay tapos lalagyan ko ng lason yung tulay para masaya!"

Nakaupo lang ako habang siya ay nagwawala sa harapan ko.

"NANGGIGIL AKO TEH! BINIGAY MO ANG LAHAT TAPOS GANUN MANGYAYARI! BAKIT HINDI WORTH IT? BAKIT HINDI NANGYARI ANG NASA PLANO MO? BAKIT GANUN? BAKIT KA PA RIN NASAKTAN? AKALA KO BA HAPPY HAPPY KA NA? BAKIT ANG GAGO NUN? TARANTADO!"

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Dame.

"What the fuck happened?!"

Tumabi siya sa akin at niyakap ako.

"Baby, are you okay?"

Hindi ako lumingon sa kanya at hinayaan ko lang siyang yakapin ako. I feel empty. Kanina pa kasi ako umiiyak, habang papunta ako sa hospital, iyak lang ako ng iyak.

Pagdating ko sa hospital ay doon lang ako tumahan.

"Baby, please, magsalita ka naman"

Hindi ko siya pinansin, Nakatulala lang ako sa kung saan.

"Ano bang nangyare sa kanya?" rinig kong tanong ni Dame.

"Eh yung gagong Mr. Marasigan na yan! Ang dumi maglaro! Engaged na ngayon si Adieon at sa harapan pa ni Serena! Wtf!"

"Putangina"

"Putangina talaga ghorl!"

Unting unti akong sumandal sa balikat ni Dame. Nagulat siya pero hinayaan naman niya ako.

"Baby"

"Bakit ganun Dame? Ginawa ko naman lahat diba?"

Hinagod niya ang likuran ko at hinalikan ang ulo ko. "Yes baby, you did your best"

"Hindi pa ba sapat?"

"Baby, sapat na yun. But.."

"Ano?"

"I don't know"

Niyakap ko siya at tumulo nanaman ang luha ko. Araw araw na yata ako umiiyak. Pinipiga ang puso ko. Naalala ko ulit kung paano lumuhod si Adieon kay Denice, kung paano niya sinabi ang speech niya na dapat para sa akin.

"Andito lang ako baby"

"Ang sakit sakit sakit Dame! Sobrang sakit!" tinuro ko ang puso ko at pinagtutu-turo ito ng malakas. "ANG SAKIT SAKIT! BAKIT GANUN? BAKIT? KULANG PA BA ANG GINAWA KO? HINDI BA SAPAT ANG PAGOD KO? KAILANGAN KO BANG LUMUHOD? KAILANGAN KO VANG MAGMAKAAWA SA KANYA? SUMUNOD NAMAN AKO DIBA? WALA AKONG GINAWANG MALI! WALA!"

Pinagsusuntok ko ang dibdib ko at umalis sa pagkakasandal kay Dame."PUTANGINA! BAKIT GANITO?! ADIEON! BAKIT? DIBA DAPAT AKO YUN? AKO YUNG DAPAT NANDOON SA HARAP NYA! AKO YUNG DAPAT SUSUUTAN NIYA NG SINGSING AT HINDI YUNG BABAENG YUN! ARGH!"

Wala akong pakielam kung may nanonood sa pagwawala. Hindi ko kinaya eh. Gusto ko ilabas ang mga hinananakit ko. Gusto ko ilabas lahat ng galit sa puso ko. Gusto ko siyang intindihin pero hindi ko gets.

"Baby. Stop"

"HINDI DAME EH! BINIGAY KO SAYO YUNG PAGKATAO KO PATI YUNG KATAWAN KO PARA SA KANYA! GINAWA KO ANG LAHAT PARA SA KANYA!"  sigaw ko kay Dame at matalim siyang tinitigan.

Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon