Chapter 13

37 6 1
                                    

I need money for you

Meron na akong 200k pero hindi pa sapat yun. Kailangan ko pang makalikom ng maraming pera. Maghahanap nalang siguro ako ng trabaho.

Tumawag si mommy.

"Yes ma?" tanong ko.

"Anak, ipapadala ko na dyan tuition mo sa college, tsaka allowance mo. 50k yun, tipirin mo ah. Pinagipunan namin yan ng daddy mo"

Nagliwanag ang mukha ko. 50k? Shit! Yes! yes!

"Thnak you ma! Sige may gagawin pa ako!"

"Okay anak, bye!"

Agad akong pumunta sa Western Union para kunin ang pera. Pagkakuha ko ay tsaka ko pinaghati hati ang mga babayaran ko sa school at ang maiiwan ay para kay Adieon.

13k lang para sa college ko tapos sa 6k para sa ambagan ko sa suite namin, hindi ko na kailangan ng allowance kasi mag tratrabaho na lang ako. Dodoblehin ko na lang.

Overall 19k lang mababawasan sa 50k. Ibig sabihin may 31k pa ako. Idinagdag ko agad yun sa 200k na binigay kanina ni Amara. Ibig sabihin may 231k na ako. Tuwang tuwa naman ako.

Nagsearch ako ng pwedeng pagtrabuhan sa age ko. Buti nalang may nakita akong wanted helper sa isang restaurant. Nag apply ako kaagad. Buti nalang pinayagan ako. Senior high student naman ako kaya pwede na. Nagsimula agad ako.

Nagsuot ako ng apron dahil naka uniform parin ako, hindi pa ako pumapasok, Alam ko pero kailangan ko gawin 'to. Sabi ng may ari, 3 hours lang ang trabaho ko, ibig sabihin maghahanap na lang ako ng panibagong trabaho after 3 hours.

After 3 hours...

Natapos ako sa trabaho, binigyan ako ng paunang bayad ng may ari. 200 pesos kada araw. Ayos na din yun. Maghanap ulit ako ng bagong trabaho, nakakita ako ng wanted dancer sa isang club. Nagdadalawang isip ako pero ng makita ko na malaki ang sahod ay grinab ko na agad. 1k kada gabi. Oh diba?

Naisip ko bigla si Adieon, ano kaya ginagawa niya ngayon? Pinatay ko kasi selpon ko para iwas tawag at text mula sa kanya. Kailangan ko mag focus sa paghahanap ng trabaho.

Tuwing gabi lang daw ako sasayaw. Tinanong ko kung ano sayaw gagawin ko gabi gabi. Thank god, hip hop at hindi sexy dance ang ipapasayaw sa akin. Pumayag na ako at magsisimula na ako mamayang gabi. 7pm

Pero bago ako magtrabaho mamayang gabi ay dumaan muna ako kay Ilaria para humingi din ng pera sa kanya. Nagtaka pa ang gaga sa akin at inaway pa ako bago ako bigyan. Binigyan niya ako ng 300k, mas malaki kumpara sa hiningi ko na 100k pero hindi na ako umangal. Sinabi ko na lang na babayaran ko na lang pagnagkapera ako.

Hapon na at naghanap pa ako ng pagtratrabahuhan sa gabi. Hanggang 9 lang kasi ako sa club. Kulang yun, nakakita ako ng convenient store at kailangan ng magtitinda. Nag apply ako kaagad. Buti tinanggap ako. Night shit ako. Mula 10 ng gabi hanggang 4 ng umaga ang shift ko.

Uuwi na lang ako ng 5 para maligo at makapasok. Hindi nalang ako siguro papasok ng afternoon classes para makapasok ako sa trabaho ko. I need money for Adieon.

Umuwi akong pagod sa suite namin. Naabutan ko doon si Ara na nagsusulat.

"Hindi ka daw pumasok?" bungad niya sa akin.

Tumango ako. Hindi ako pwedeng mag sinungaling dahil unang una kaklase ko si Eria at adieon. Syempre malalaman niya agad yun. Kay Eria palang.

"Bakit?" tanong niya ulit. Hindi ko siya sinagot at pumasok na lang ng kwarto namin. Maghuhugas na ako ng katawan dahil may trabaho pa ako mamaya. Ala sais na din kasi.

Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon