Work work work work
Ilang araw na akong hindi pumapasok sa school at hindi nakikita si adieon, pero nakikipagtext naman ako, sinasabi ko lang na may kailangan akong gawin para sa kanya. Nagagalit na siya sa akin pero hindi ko pwedeng tigilan ang pagtra-trabaho. Para sa kanya 'to, para sa amin' to.
Umuwi ako ng suite namin and as usual, tulog na sila. Halos hindi ko na din nakikita ang mga kaibigan ko kahit umuuwi ako dito, kung hindi tulog ay wala sila. They didn't text me though. Wala silang pakielam sa ginagawa ko, I guess?
Kami ni Daniel ang magkasama, nalaman ko na din kung ano meron sa kanila ni Amara, he lives her at ginagawa niya ang lahat para yumaman para kay Amara. Naiingit ako, kaya ba gawin ni adieon para sa akin yan?
Nandito kami sa isa pang restaurant na pinagtratrabahuhan namin ni Daniel. Naglilinis kami pareho ng kubeta.
"Magkano na naipon mo?" tanong sa akin ni Daniel.
"1 bilyon mahigit, thanks sa boses ko" he chuckled. "And thanks to you too"
"Wala yun, ikaw pa, malakas ka sa akin eh"
Sa bawat gabi ng pagkanta ko sa underground club ay binibigyan nila ako ng kalahating milyon bilang pambayad. Mas nilalakihan nila pag nagugustuhan ng mga tao ang ginagawa ko kaya mas nadadali ang trabaho ko. Binibigyan ko din ng kalahati si Daniel dahil siya ang naging daan para rito.
Naging mag bestfriend kaming dalawa ni Daniel. Hindi na siya pumasok sa college. Walang kwenta raw ang pag aaral kung walang pera. Bobo lang?
After namin sa kubeta ay nagmop naman kami pareho ni Daniel. Pagkatapos ay naghugas naman ako ng pinggan habang si Daniel ay nagtatapon ng basura. Pinagkakamalan nga kaming mag couple ng mga katrabaho namin dahil lagi kaming magkasama, lagi ko naman sinasabi na may boyfriend ako at siya may mahal na iba. Taken na mga puso namin 'no.
Natapos ang trabaho at diresto ako sa isang club para sumayaw. Magdamag ako nag sasayaw doon, humiwalay na sa akin si Daniel dahil iba daw kanya, after doon ay diresto ako ng convenient store para magtinda. Tuwing sabado lang naman ang pagkanta ko sa underground club kaya ayos lang. Pagdating ng Ala singko ay umuwi na rin agad ako.
Tulog pa sila kaya naligo na agad ako. This time kailangan kong pumasok, mawawala na ako ng tuluyan sa dean's list pag hindi pa ako pumasok.
"Out ka na sa deans list Ms. Maiden"
Nagulat ako sa sinabi ng dean at nalungkot. No.. Ang pagaaral ko.
"Po? Bakit po?"
"Isang linggo ka nang hindi pumapasok base sa adviser mo, wala kang pinapasa na kahit ano at wala kang excuses kung bakit ka nawawala! Bakit hindi ka nagsasabi? Ano ba ginagawa mo sa buhay mo? Matalino kang bata! Wag mo naman sayangin Ms. Maiden. Ikaw pa naman ang inaakala kong magiging valedictorian ng school this incoming next school year!"
Nakayuko lang ako magdamag. Naiiyak na ako. Tama si madam, sinira ko ang pagaaral ko, sinira ko ang pangarap ng pamilya ko para sa akin. I failed. I just failed myself.
"Now tell me, ikaw mag decide, did you want to continue your schooling or not. Itutuloy pa ba natin ang scholarship mo?"
"Yes ma'am, please give me second chance!" hindi na ako nag dalawang isip pa. Ayoko mawala ang pagaaral ko. Sisikapin ko ipasok ang pagaaral ko kung kinakailangan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Madam. "Okay, second chance? Ibibigay ko sayo 'to but make sure na babawi ka! Babawi ka sa lahat ng pagkukulang mo sa paaralan na ito! Understood?"
"Yes ma'am! Thank you po!"
Lumabas ako ng kwartong yun na pinupunasan ang luha. I can't help it, muntikan ng mawala ang scholarship ko para magtrabaho. Ano ba ginagawa ko? Bakit ko nga ba ginagawa 'to?
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Teen FictionSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...