Goodbye Adieon
Matagal ko nang kilala si Dame pero hindi ko pa rin matanggap na tinago niya sa akin ang tunay niyang pagkatao. All I know, isa siyang drug dealer at underground boss pero mafia boss?
WTF?
"Baby, kausapin mo na ako please"
Cold treatment. Yan ang pinaramdam ko sa kanya. Asawa niya ako! Asawa! Dapat alam ko ang lahat sa kanya tsaka may anak kami. Mafia boss is a big thing. Paano pag may bigla kumidnap ng anak namin? Paano pag bigla siyang pinatay? Paano ako?
Tinalikuran ko siya at hindi pinansin. Niyakap naman niya mula sa likod habang nakahiga kami pero deadma pa rin ako sa kanya.
"Baby please" malambing na tugon niya tsaka ako hinalik-halikan sa balikat. Napairap ako. Pesteng lalaki 'to!
"It's been a month ng hindi mo ako pansinin. I miss you"
Lumayo ako ng kaunti sa kanya kaso hinila naman ako ng kupal. Puta.
"Baby, hindi kita titigilan hanggang hindi mo ko papansinin"
Umikot nanaman ang aking magandang eyeballs sa sinabi niya. "Explain everything to me"
Hindi siya nakapagsalita. Ayan, gusto niya ako kausapin pero pag sinabi ko na mag explain siya hindi siya sasagot at biglang tatayo sa kama tapos lalabas ng kwarto.
Gaya ng ginawa niya ngayon.
Heh!
FUCK YOU DAME!
GALING GALING MO!
GALING MO SA KAMA!
CHAR.
pero syempre, shut up tayo.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga tapos lumabas ng kwarto namin ni Dame. Nakalipat na kami sa bagong bahay ni Dame at laging bisita ko rin sila Amara, Ilaria at yung tatlo. Tapos na rin ang kasal ni Gia at ang pogi ng asawa niya. Naka bingwit ang gaga.
Nakilala ko na rin ang asawa't anak ni Ara at nakakatuwa lang kasi, magaling pumili si Ara ng boy. Mabait, gentlemen, at may sabit. Charot!
Si Eria naman, naku. Wag niyo na ako tanungin.
Si Amara, pfft. Ewan ko dun. Daming alam.
Si Ilaria, jusq! Hindi kayo maniniwala kung sino asawa ng gagang yun!
Bumaba ako ng hagdan at bumungad sa akin ang anak ko na kakatapos lang uminom ng gatas nya.
"Hi mommy!" bati niya sa akin. Hinalikan ko naman siya sa noo at ginayak sa kwarto niya para matulog. Pinatulog ko muna ang prinsesa ko bago hanapin ang nawawalang asawa ko na punyeta niya.
Nagsuot ako ng jacket ko at kinuha ang susi. Alam ko na nasa labas na siya ng subdivision namin at syempre, bilang mabait at cute na asawa, susundan ko siya.
Nilock ko ang pinto ng bahay at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko ito at sinubukang hanapin ang asawa ko sa buong subdivision bago ako lumabas.
Pumunta muna akong seven eleven para bumili ng coke dahil nauuhaw na ako. Oh diba, coke.
Nahagip ng mata ko si Adieon na nakatitig sa akin sa labas ng seven 11. Napairap ako sa hangin. Jusq, another problem nanaman ang dumating!
Lumabas ako ng seven 11 ng hindi siya pinapansin pero ang gago, ayaw paawat. Hindi ko na siya nakita ng isang buwan tapos bigla nalang siya susulpot? Aba magaling.
Nilingon ko siya at tinarayan. "Tigilan mo ko"
Hindi siya nagsalita pero humigpit ang hawak niya sa pulsuhan ko. "Bitawan mo ko"
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Fiksi RemajaSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...