Chapter 24

40 2 0
                                    

Ang muling pagkikita

Dame POV.

Prentang nakaupo sa tabi ko ang pinakamamahal kong babae sa mundo. Seryoso siya at hawak ang kamay ko habang hinihintay namin ang mga magulang ni Adiode.

Yung dalawang bata ay natutulog parin hanggang ngayon. Alas diyes na ng umaga pero hindi parin namin sila ginising. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Serena at nakuha ko ang atensyon niya.

"Baby?"

Inilagay ko ang baba ko sa balikat niya tsaka siya hinalikan sa labi. "Masyado ka namang seryoso"

Ngumiti siya sa akin. "Kinakabahan lang ako"

Tumango tango ako. "I'm here"

Hinalikan niya ako sa ilong at saktong may kumatok sa pinto. Ako ang tumayo at binuksan ito. Isang babae ang bumungad sa akin at nasa likuran niya..

Nagkatitigan kaming dalawa...

Malaki ang pinagbago niya mula noon..

Adieon.

"Baby?"

Naramdaman ko mula sa likuran ko ang kamay ng asawa at yinakap ako. Sumilip siya at nagkita silang dalawa ni Denice at Adieon.

Ako ang unang nagiwas ng tingin at bumaling kay serena. Ngumiti siya sa kanilang dalawa.

"Kayo pala yan, pasok kayo. Hinihintay na kayo ng anak nyo"

Hinila agad ako ni Serena at pinaupo sa sofa. Pumasok naman ang dalawa. Si Denice ay nanatiling nakayuko habang si Adieon ay nakatitig kay serena.

Fuck.

Nabuhayan ako ng selos.

That's my girl idiot!

Hinila ko kaagad si serena sa tabi ko habang nakatitig kay Adieon. "You want juice? Water?"

Bumaling si Denice sa kanya. "Anak ko lang ang kailangan ko tsaka ang sagot mo sa mga tanong mo"

Napawi ang ngiti ni serena at inayos ang upo. Lumapit siya sa akin at inakbayan ko siya. Yung pag akbay ko naman ang tinitigan ni Adieon.

Isa pang titig dyan, papatayin talaga kita.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang boses ng asawa ko na may binubulong sa akin. "Bakit ang sama mo tumitig sa bisita natin ha?"

Tinaasan niya ako ng kilay. Inirapan ko naman siya. Can't she see? Iba ang titig ni Adieon sa kanya. Sa aming dalawa. Lalaki ako kaya alam ko ang mga ganyan. Ganyan ako tumitig kay serena noon eh habang kumakanta siya.

Tinampal naman niya ako sa tyan tsaka tinarayan ako.

Why so hot baby?

"Tulog pa kasi yung dalawang bata, napagod kasi kakalaro sa mall" biglang sambit ni serena.

Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Denice. "So? Sinasabi mo na nagkita kayo ng anak ko sa mall? Nagtanong ka ba kung may naghahanap ng magulang sa kanya?"

Tumango si Serena at pilit na ngumiti.

"Walang umabot sa akin na balita kaya binigay ko na lang yung calling card ko kung sakaling may tumawag"

"What's the purpose?"

Napunta ang buong atensyon ko kay denice na ramdam na ang galit sa katawan.

Is she mad at my girl?

"Anong purpose ang sinabi mo denice?"

"Inuwi mo ba ang anak namin Conrad para may dahilan para magkita kayo ulit?" matabang na tanong niya kay serena.

Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon