The problem
"Si denice yun, Denice Marasigan, ex girlfriend ko at ang tatay nya ay gusto ako pakasalan siya" tumango ako.
"Ano sabi ng magulang mo?" tanong ko. "they liked you! Ayaw nila kay denice dahil alam nila na si Denice ang may pakana nito"
"Hindi lang pala malandi ang babaeng yun eh, gago pa ampucha"
Tumawa siya. "Mas higit pa yun sa higad"
"Wait matanong ko lang, bakit pinapakasal kayo ng mga magulang nya? Binuntis mo ba siya?"
Humagalpak siya sa tawa.
"Ikaw lang papatulan ko"
"Aba dapat lang! Pag pinatulan mo yun, mandidiri ako sayo, para kang nakipag sex sa linta"
"Tangina mo!"
Tawa kami ng tawa sa loob ng kotse niya. Dio na lang kami nag date para narin sa privacy at alam mo na may inaabangan ako. Choss.
"eh bakit nga?" tanong ko ulit.
Tumigil siya sa kakatawa at sumeryoso ang mukha. "May malaki kaming utang sa kanila"
"Utang?" bumaling siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "dahil sa akin" lumungkot ang mata niya.
"Bakit?" nakungkot na din ako. Hinawakan ko ang kamay niya. "Anak lang ako sa labas"
Nagulat ako sa sinabi niya. Nakita ko na nakatitig siya sa akin pero namumuo na ang luha niya. "Kahapon ko lang nalaman" dagdag niya.
"Iyak ako ng iyak kagabi. I don't know what to do, harap harapan sa akin sinabi ng mga magulang ko na anak lang ako sa labas at pagkakamali lang ako ni mommy sa ibang lalaki pero sabi naman niya hindi niya ako tinuring ng ganun, si daddy din, hindi niya ako tinuring na ganun. Mahal daw nila ako at hindi magbabago yun"
Unting unti lumabas ang luha sa mga mata niya. Niyakap ko siya agad para hindi makita ito. Masakit sa akin na umiiyak yung taong mahal mo.
"Hindi ko alam kung sino ako, hindi ko alam kung ano talaga ako, para akong nawala sa sarili. Hindi ko alam gagawin ko love. Hindi ko alam"
Lalong lumakas yung iyak niya, kung kanina ay nilalait lang namin si Denice at nagtatawanan, ngayon ay halos hindi na siya makapagsalita sa kakaiyak. Nasasaktan ako ng sobra dahil sa iyak niya. Hindi ko alam ang gagawin ko para sa kanya.
"Diba may utang kayo? Paanong naging sanhi mo yun?"
"H-hirap na hirap sila mommy nun sa akin, hindi talaga mayaman ang pamilya ko, bata pa ako noon ng makita ko kung paano sila mahirap mabuhay lang kami ni ate. Nagkasakit ako, muntik mamatay, hindi alam ni mommy ang gagawin niya kaya humingi siya ng tulong sa mga Marasigan. Ang dating boss niya, pumayag si Mr. Marasigan na pahiramin sila ng pera para mabuhay ako pero may kapalit! Fuck!"
Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya, Alam kong napapaos na siya pero pa tuloy pa din siyang nagsasalita.
"he wants me to marry his daughter denice. Mabait daw akong Bata at matalino. I can do anything at sa akin lang niya pwedeng ipagkatiwala ang anak niya. Ayos lang naman sa akin iyon noong una dahil mahal ko si Denice noon hanggang sa niloko ako ni Denice. She cheated on me! Not to an ordinary man but to our bestfriend Luis! Galit na galit ako noon, mahal ko siya eh. Mahal na mahal pero ginago niya ako. Hindi ko siya mapapatawad!"
Napansin ko sa labas na medyo dumidilim na at umuulan. Hindi ko na lang ito pinansin.
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin."And you" Hinawakan niya ang pisngi ko. Pulang pula ang mata niya at puno ito ng lungkot at galit. "Ayoko iwan ka, ayoko gaguhin ka, ayoko saktan ka, ayokong makita ka na may kasamang ibang lalaki at hindi ako, ayoko na iba ang makakayakap sayo at mahahalikan, at ayoko na hindi ikaw ang mapapangasawa ko"
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Teen FictionSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...