Meet the family
"Really? May paganyan na kayo? Isang taon palang naman kayo ah" angal ni Gia.
"Hoy! Ano pake mo? Buti nga isang taon na sila, hindi katulad ng ex mo pang rebound ka lang" nabulunan ako.
"Ano sabi mo Ara? Ex? Nino? Ni Gia?"
Nilingon ko ang dalawa. Namutla si Gia at Ara sa tanong ko. Nagiwas sila ng tingin.
"Ano yun?" tanong ko ulit.
Huminga ng malalim si Gia bago magkwento.
*toktoktoktok*
"Ayan na one year jowa mo bhie. Keep slaying sa damit bhie" Natawa ako sa sinabi ni Gia.
Kinuha ko ang bag ko at lumapit sa kanya. "Hindi pa tayo tapos magusap dalawa"
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang gwapong boyfriend ko.
"Let's go?" tumango ako. Pumasok siya kaunti para kumaway sa dalawa.
Kinuha niya ang sling bag ko at siya nag buhat. Kinuha niya rin ang kamay ko at hinolding hands.
"Where's Eria?" tanong nito pagbaba namin sa elevator. "Nowhere to be found?" sagot ko.
"Ha?"
"Hallelujah"
Tumawa siya.
"Hindi ko alam, lately lagi siyang wala sa condo. Hindi na nga umuuwi eh pero lagi naman nagtetext na wag mag alala at uuwi din daw siya kaya panatag ako" bawi ko.
"Hmm, lately hindi din siya pumapasok diba?" tanong ulit ni Adieon.
"Yes"
Dumating na kami sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako. Pumasok na din siya sa driver seat.
"Date muna tayo then after that dinner date with my family. Okay?" tumango ako.
Napagkasunduan namin ni Adieon na maging legal na sa both side ng family namin. Sabi niya, matagal na daw gusto ng family niya na makilala ako at ganun din ako sa kanila. Sabi rin niya na wag akong kabahan dahil gusto ako ng pamilya niya.
"Ano na nangyare kay Neon?" tanong ko. Nag pout siya sa akin.
"Lagi nalang si Neon kinakamusta mo. Selos na ako love ah" natawa ako.
"Baliw! Nag aalala lang ako doon. Nasaan na siya ngayon?" tanong ko ulit.
"Ayun, after ng nangyare nga sa condo niyo ay kinuha siya ng pulis, dahil minor palang siya at mas bata pa sa atin ay hindi pa pwedeng ikulong kaya inuwi na lang siya ng pamilya niya sa probinsya. Nawala ang scholarship niya" sagot ni adieon habang nakatingin sa daan.
Tumango ako.
Hindi talaga ako makapaniwala na magnanakaw si Neon ng gabing yun. Hindi ko alam pero gusto ko humingi ng sorry. May pinagdadaanan siya financially. Alam ko yun. I wanted to help him pero huli na ang lahat. Pinauwi na pala siya ng probinsya.
"Are you worried?" tanong ni adieon at hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop ito.
"No, I'm fine" sagot ko na lang.
Sunday ngayon kaya nagsimba muna kami ni Adieon sa St. Peter church. Pagkatapos ng Misa ay kumain muna kami sa Mcdo bago mamasyal sa enchanted kingdom.
Tawa ako ng tawa sa reaksyon ni Adieon pagkababa namin ng space shuttle.
"Hindi na ulit ako sasakay doon tangina" lalong lumakas ang tawa ko.
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Teen FictionSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...