War
Ilang araw na ang lumipas ng sinabi sa akin ni adieon na may gyera sa pagitan nila ni Jester. Tinanggap daw ni jester ang hamon. Everyday, nag te-text sa akin si Jester ng good morning. Si Adieon naman ay libro ang pinapadala sa bahay. Wattpad books or kahit iba. Pag bukas ko nun may sulat kamay siya dun na: good morning love and I like you. Lagi yun. Walang pinalampas. Naiingit nga sila Eria at Ara sa akin.
Gusto sana nila na ako sunduin or ihatid sa condo and school pero hindi ako pumayag. Kasabay ko ang tropa ko. Hindi ko sila kailangan. Pagdating ko naman sa school ay sasalabungin ako ni Jester at sasabay kami ng pasok. Naiinis na nga daw si eira dahil hindi na daw nila ako masolo dahil kay jester.
Sabi niya, "Ikaw nanaman? Can you please let us alone with her?" pero hindi siya pinansin ni Jester. Sinabi ko nalang na hayaan mo na. Alam ko hindi niya gusto yun pero hinayaan niya ako.
Lagi kasi sumasabay sa akin si jester kahit saan. Ayos lang sa akin kaso wala na akong privacy. Hindi niya ako nilulubayan. Ayaw niya ako iwan. Parang natatakot siya na gumawa ng move si Adieon sa akin. Nacre-creepyhan na ako pero ayoko siya saktan. Kabaliktaran naman si Adieon.
Tuwing umaga hanggang uwian ay hindi ako pinapansin ni Adieon pero lagi siya nakatingin sa akin. Pag napapatingin ako sa kanya, kikindatan lang niya ako or ngi-ngiti siya ng pagkatamis tamis sa akin.
Hindi ko naman kaklase si Jester at si Adieon ang kaklase ko kaya tuwing may klase lang kami nakakapagusap. Through notebook nga lang.
Namimiss na kita
Napakunot noo ako sa sinabi niya. Araw araw naman niya ako mamiss. Nagsulat din ako sa notebook pang reply sa kanya.
Hindi kita miss.
Mag pout siya sa akin at inirapan ako. Napangiti na lang ako. Nagsulat siya sa notebook at ipinakita sa akin ng hindi siya lumi-lingon.
Labas tayo?
Nagsulat ulit ako sa notebook. Lumingon siya ng kaunti para makita ang reply ko.
Lalabas na kami ni jester. Sad :(
Nainis siya sa sinulat ko at hindi na ako nilingon. Natawa ako sa reaksyon. Wala naman talaga kaming pupuntahan ni Jester dahil busy siya ngayon. Nakita ko na nagsulat siya ulit sa notebook at pinakita sa akin ito ng patago at hindi lumi-lingon.
Pumayag ka?
Natawa ako sa sinabi niya. Nagsulat din ako. Lumingon siya saglit.
Oo. Obvious ba?
Nag pout siya sa akin. Nagsulat ulit siya.
Sige, kikidnapin nalang kita sa date nyo hehe.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba?
Ayoko. Gusto ko makasama si jester kaysa sayo
Nakangiti kong pinakita ang sinulat ko. Lumingon siya at binasa ito. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero nagsulat pa din siya.
Wala kang magagawa, gusto kita makasama.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang pagngisi. Kinikilig ako.
Ako rin
Nagulat siya sa sagot at hindi na nagsulat ulit. Nakinig na kami sa prof namin sa Physics. Nang matapos ang klase ay tumayo ako dahil pupuntahan ko ngayon si Amara sa room niya. Sabi niya sa akin kailangan niya daw ang tulong ko. Isama ko pa nga daw si Adieon para makilala nila. Kinukwento ko si Adieon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅
Teen FictionSimple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi niya inaasahan isang araw ay magugulo ang plano niya at masisira itong lahat sa isang pagkakamali. Bi...