Chapter 5

77 5 0
                                    

Paramdam

Lagi na kami lumalabas ni Jester pero lagi naman kasama si adieon at ang tropa nila. Naiinis nga si jester eh. Bakit ba daw lagi sila sumama? Hindi daw niya ako ma solo manlang.

"Dude, pwede ba? Give us time alone together?" tanong ni jester kila Tristan na nasa likuran namin at nag tatawanan.

Napatigil sila sa pagtawa. Tumingin yung tatlo kay Jester pero sa akin nakatingin si Adieon.

"Dude, lalayo nalang kami HAHAHA" sagot ni Tristan. Hindi na sumagot si jester at hinila ako palayo sa kanila. Naiirita siya. Palagi naman lalo na at laging sumama sila Tristan sa date namin.

Tuwing may date kami, laging nagtatanong si Adieon sa akin kung saan at anong time tapos sabi niya, doon din daw sila pupunta kaya sa sabay daw sila sa amin. Pinipilit niya pa talaga sila Tristan na sumama sa kanya eh.

Ayaw niya kami naiiwan magisa ni Jester. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman na siyang gusto sa akin diba? Ano itong ginagawa nya?

Pumunta kami ni Jester sa national bookstore. Mahilig siya sa books katulad ko kaya nagkasundo kami kaagad. Ewan ko ba pero bigla ko naalala si adieon.

"National tayo?" tanong ko. This is the first date namin together ni jester pero kasama namin sila adieon at ang tropa niya. Sabi niya, gumagala lang naman daw sila kaya sumabay sa amin. Nainis pa nga si jester pero wala naman siya magagawa.

"oo, I like books"sagot niya sa akin ng ngiting ngiti." really? Magkakasundo tayo" sambit ko na lalong nagpangiti sa kanya.

Hinawakan niya ako sa kamay. Holding hands. Naginit ang pisnge ko. Minsan lang ako magkaholding hands sa lalaki ni public. Inaamin ko, kinikilig ako.

"Psh. Ang baboy nyo" nilingon namin si adieon na masama ang tingin sa kamay namin ni Jester. Problema neto?

"Dude" binantaan siya ni thanton. Nilingon ko si jester at ang sama na ng titig niya kay adieon.  Hinawakan ko ang braso niya at pinakalma siya.

"let's go?" tanong ko. Tinignan niya ako at lumambot ang expression niya at pilit na ngumiti sa akin. Tumango siya at siya na mismo ang humila sa akin papuntang national.

Pagdating namin doon ay nagtatawanan kami ni Jester kasi ginagaya nya ang itsura ng mga lalaki sa front page ng mga libro. Meron pa nga ang isang libro. Yung I love you since 1892 by binibining Mia. Book 2 na yata yun at lalaki yung cover. Ginaya niya ang expression ng lalaki at galaw niya. Natawa ako dahil seryosong seryoso siya.

After namin magtawanan ay bumili siya ng isang wattpad book. "bakit bumili ka niyan?" tanong ko. "I like this story. Worthless by jonaxx" nakangiting sagot niya.

"hindi ko pa nababasa yan" kinuha ko ang libro at pinagmasdan ito. Mukhang maganda ito dahil si Jonaxx ang may gawa.

Bumili lang ako ng ballpen dahil wala na akong ballpen. Pagkabili namin ay niyaya ako ni jester na pumunta sa museum. Maganda daw doon. Mahilig naman ako sa mga museum kaya pumayag ako agad.

Sobrang magkasundo kami ni Jester. Lahat ng  gusto niya ay gusto ko din. Tuwang tuwa kami habang naglilibot sa isang art museum. May mga picture kasi doon at ginagaya nanaman niya ang pwesto at itsura ng nakapainting. Parang tanga lang.

Kumain kami sa isang restaurant. Mayaman naman kasi itong si jester pero hinayaan ko na lang. Mayaman eh tsaka Libre. Lam na. Nagkwentuhan lang kami at nag asaran.

Masayang natapos ang araw na hindi ko nakikita si Adieon. Pinabayaan niya naman kami. Buti naman.

Hinatid ako ni Jester sa labas ng condominium namin. Kinawayan ko siya at kumaway siya pabalik bago niya pinaandar ang kotse niya paalis.

Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon