Chapter 8

44 4 1
                                    

Official.

"Sinong may boyfriend?" malakas na sigaw ni Ara. "Si serena!" sigaw din ng dalawa. Tawa lang ako ng tawa dahil panay sigaw sila nang ikwento ko sa kanila lahat ng nangyare sa amin ni Adieon sa road trip. "Sinong single?" sigaw ulit ni Ara. "Kami!" sigaw din ng dalawa.

Nasa dorm pa kami at may ginagawa kaming lahat na assignment. Patapos na ako kaso itong dalawa panay sigaw. "Sinong may boyfriend?"

"Si Serena!"

"Sinong single?"

"Kami!"

Tawa ako ng tawa dahil sa kanila. Panay lang ang asar nila sa akin pero wala akong pake elam sa kanila. Basta kami na Adieon. Tapos ang usapan. Period.

"Sinong may boyfriend?

"si serena!"

"Sinong single?"

"Kami!"

"Sinong basted?"

"Si jester!"

Natahimik ako. Shit. Si jester! Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanya na kami na ni Adieon. Sinabi na ba ni Adieon sa kanya? Magagalit kaya siya?

"Sinong hindi nagsabi?"

"Si Serena!"

Hindi na ako natuwa sa sigaw nila at umalis na doon. Narinig ko ang tawanan nila bago ako tuluyan makapasok sa kwarto namin ni Gia. Tinawagan ko si Jester.

"Hello princess? Bakit ka napatawag? Miss mo ko?" tumawa siya. Nakonsensiya naman ako.

"We need to meet, kita tayo sa Meira restaurant. Bukas, before classes" kailangan ko siya makausap. Ayoko sabihin sa kanya in call kasi pangit yun. Mas maganda sa personal.

"Okay okay, kitakits princess" binaba kaagad ang tawag niya. Bigla naman tumawag si Adieon sa akin.

"Good evening love. Ano ginagawa mo?" napangiti ako.

"Assignment, may assignment tayo remember? Tapos mo na ba yung iyo?"

"Oo, mangongopya ka love? Pwede naman, malakas ka sakin eh"

"Sarap mo batukan. Hindi, patapos na rin ako. May sasabihin nga pala ako sayo"

"Ano?"

"Sasabihin ko kay jester bukas na tayo na. Okay? Wala ka muna sasabihin"

Nanahimik siya ulit.

"Damn love, hindi pa din ako makapaniwala na tayo na. Na akin ka na"

Kinagat ko ang labi ko. Kinikilig ako.

"Ako din. Hindi ako makapaniwala na sayo ako nahulog"

"Bakit? ayaw mo ba sa akin?"

Natawa ako ng maramdaman ko ang nagtatampo niyang boses. "Nope. Sayang kasi ang ganda ko sayo" tumawa ako ng malakas.

"Bad girl love, very bad"

Tawa ako ng tawa sa sinabi niya. Nag paalam na ako sa kanya kasi gagawa muna ako ng assignment namin. Bumalik akong sala kung nasaan ang mga kaibigan ko.

"Ano ulam naten mga pre?" tanong ko sa kanila. "Magoorder na lang kami sa grab. Tinatamad si ara magluto eh" sagot ni Gia. Tumango ako. Nag order na lang ako ng spaghetti at coke. Tinapos ko kaagad ang assignment ko.

Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay ang pagkain. Napansin ko na panay text ng text si Eira sa selpon niya. Mukhang kinakabahan. Tinignan ko ang aircon pero nakabukas naman. Pinagpapawisan kasi siya.

Waves of Years (Highschool series #1) Completed ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon