Nalaman ko na matagal na palang magkakilala sina Maureen at Chrysler, at bago palang si Marielle.
Nandito kaming apat sa mga lounge chairs naka-upo at nakatanaw kela Spade na nasa dagat at naliligo kasama si Hestia
Sina Blaine, Kaira at Natasha naman ay gumagawa ng vlog nila.
Masaya palang kasama silang tatlo at na ikwento ko na din sakanila kung pano kami naging magkapatid ni Aaron.
"Wyn, pano kung may mga magulang pala talaga si Aaron at inilihim niya lang sayo,anong gagawin mo?", tanong sa'kin ni Chrysler.
"Syempre magagalit ako, pero gusto kong alamin kong anong dahilan niya kung bakit niya yun nagawa sa'kin",
Lahat naman ng tao may dahilan kong bakit sila gumawa ng pagkakamali.
"Kunwari, bumalik na sa totoong pamilya ang kapatid mo, kapatid parin ba ang turing mo sakanya?," tanong sakin ni Maureen at sumimsim ng buko juice niya.
"Oo naman, kahit may pamilya man siya o wala, siya parin ang bunso ko", nakangiting sabi ko.
"Sa tingin mo ba, kapatid ang turing sayo ni Aaron?",biglang tanong sakin ni Marielle.
Grabe nakakapressure talaga ang mga tanong nila.
"Oo naman, ang sweet niya kayang kapatid sakin",nakangiting sambit ko at nakatingin sa kapatid ko na ginagabayan si Hestia sa paggamit ng salbabida
"Bakit mo naman natanong?" tanong ko kay Marielle.
"Kase napapansin ko, sa paraan ng pagtingin sayo ni Aaron sayo higit pa sa kapatid,parang in love siya sayo. Kulang nalang maging obsessed na siya sayo", sabi niya sa'kin.
"Mukhang hindi naman, ganyan lang talaga siya sakin. Ewan ko nga sa ibang tao ang sungit-sungit niya lalo na sa mga babae kaya hindi siya nagkakaroon ng girlfriend", natatawang sabi ko at sumimsim ng buko juice ko.
"Wynelle look, kaya hindi siya nagkakaroon ng girlfriend dahil naka focus lang siya sayo, your brother is in love with you"
Napailing ako sa sinasabi ni Maureen.
"Hindi naman yata,hindi lang siya siguro interesado sa love life"
"Ewan ko sayo Wyn,ang tingin mo lang kase ay kapatid mo siya kaya hindi mo lang napapansin", napailing na sabi sakin ni Chrysler.
Natural naman sa kapatid ko ang ganong treatment niya sa'kin,simula noong mga bata palang kami ganon na siya sa'kin.
Lalo na noong umiyak ako sa park dahil sa pagkamatay ng mga magulang ko, binigyan niya ako ng panyo.
"Ano palang nangyari sainyo ni Blade kanina?", biglang tanong ni Maureen kay Marielle.
"Wala, nag-usap lang kami", umiwas ng tingin si Marielle.
"Nag-uusap lang ba?",nanunudyong tanong ni Chrysler kay Marielle.
"O-oo", namumulang sabi ni Marielle.
Alam kong may malalim na namamagitan talaga sakanila ni Blade.
"Pigilan mo 'yan Marielle, ikaw lang ang kawawa sa huli", makahulugang sabi ni Maureen kay Marielle.
"Alam ko", nakayukong sabi ni Marielle.
"Tara na maligo na tayo", pagbabasag ni Chrysler sa katahimikan.
"Ate Wynelle!", tumakbo papunta sa'kin si Hestia at hinila ako.
"Let's swim", sabi niya sa'kin at naglakad na kami papunta kela bunso.
Nagsi-alisan naman ang sina Spade at pinuntahan ang mga partners nila.
Inalalayan ko si Hestia papunta sa malalim na parte, naka salbabida siya kaya hindi siya malulunod.
"Hawakan mo kamay ko", sabi ko kay Hestia. Nakaalalay naman si bunso sa likod niya.
Hanggang dibdib ko ang tubig kaya hindi pa nababasa ang ulo ko.
"Ate Wyn! ako na muna bahala kay Hestia!", sigaw ni Blaine, kakarating niya lang mula sa paglilibot.
"Bunso pakidala mo muna si Hestia kay Blaine", utos ko sa kapatid ko.
"Okay", dinala na niya si Hestia kay Blaine.
"Hoy Von ibaba moko!", sigaw ni Maureen dahil binuhat siya ni Von at nilagay sa balikat nito.
"Gaganti lang ako sayo", dinala ni Von si Maureen sa malalim na parte ng tubig.
"WAAAAH!"
Biglang binagsak si Maureen sa tubig kaya napaubo si Maureen dahil sa pagbagsak niya.
"I hate you!"
Pinaghahampas ni Maureen ang dibdib ni Von na tumatawa lang. Namumula na ang ilong ni Maureen dahil umiyak na ito.
"Sorry baby",niyakap ni Von si Maureen na umiiyak at patuloy parin siyang pinaghahampas sa dibdib.
Napailing nalang ako,sinusuyo na ni Von si Maureen.
Nakita ko sa malalim na parte ng tubig sila Blade at Marielle. Napaiwas ako ng tingin dahil naghahalikan nanaman sila.
Sila Spade at Chrysler naman ay nag tutuklan at nagbabangayan. Mukhang hindi talaga sila magkasundo ang dalawa.
Hindi ko pa nakita sina Van at Ace simula kanina after ng lunch.
"Ay pating!", gulat na sabi ko dahil may humawak sa beywang ko.
"Hahaha",tawa ni bunso.
"Tawa mo dyan bunso", nakangusong sabi ko.
"Nothing ate", he's smirking at me, don't tell me.
"Waaaaah! Bunso wag mokong dalhin sa malalim baka malunod ako!",sigaw ko.
at hinihila niya ako papunta sa malalim na parte.I heard him chuckled at dinala niya parin ako sa malalim at kumapit ako sa leeg niya.
Nabasa na din ang buhok ko, nakapulupot ang binti ko sa gilid ng beywang niya at nakakapit ako sa leeg niya.
"Bunso bumalik na tayo sa mababaw", I pleaded to him.
"Let's stay here for a while"
"No! Bumalik na tayo doon please? Natatakot nako"kinakabahan na sabi ko ,natatakot talaga ako sa malalim na parte .
" Okay fine, don't worry ate you're safe with me",he kiss my forehead and I felt relieved.
Dinala na ako ni bunso sa hanggang beywang ko at lumangoy-langoy nadin ako.
***
Gabi na,maaga kong pinapatulog si Hestia at mabilis din siyang nakatulog dahil siguro napagod siya sa kakalaro kanina.
Nagjejetski kami kanina at naghahabulan.
Naeenjoy din ako sa pagbanana boat kahit na ilang beses na kaming nahulog, safe naman kami dahil may lifevest kaming suot.
Marami kaming nagawang mga laro, nagbe-beach volleyball din kami,habulan at gumagawa ng sand castle.
Nailibing ni Chrysler kanina ang katawan ni Spade,kawawa si Spade kase hindi nakagalaw dahil sa makapal na buhangin na nakatambak sa katawan niya.
Ngayon gabi magbobonfire kami, kakatapos lang namin kumain.
Kumuha ako ng marshmallows at hotdogs kasama si Marielle para sa bonfire namin.
"Tulungan na kita dyan",kinuha sakin ni Ace ang tray na dala ko.
"Salamat", ngumiti ako sakanya.
"Ate tara na sa labas", sabi sakin ni Blaine na kakababa lang galing sa itaas at sumunod naman sakanya sila Chrysler at Van na may dalang gitara.
Tiningnan ko muna si Hestia sa kwarto at kinumutan ng maayos saka lumabas para sa bonfire.
YOU ARE READING
One Night Stand With My Brother
RomanceWynelle Rose Lacsama, a girl who had a one night stand with her brother Aaron,it is a big mistake for her. She doesn't know that her younger brother didn't treated her as an older sister but treated her as his woman that he love. Wynelle had a lot...