Chapter 39: Wanted

4.8K 168 24
                                    

Third Person POV

"Cous, may balita na ako kay Wynelle",biglang sabi ni Tiffany sa pinsan nitong si Aaron.

Kasalukuyan silang nasa Dark Elite Society Hideout, Ilang taon ng hinahanap ni Aaron si Wynelle ngunit wala itong nakuhang balita dahil sa pagsisunungaling ni Tiffany sa kanya sa limang taon na iyon at dahil narin ito ang kagustuhan ni Wynelle na wag sabihin kong nasaan ito.

"Where is she?",may halong tuwa at pagkasabik ang nararamdaman ni Aaron dahil sa sinabi ng kanyang pinsan.

"Nasa Pilipinas na siya, nalaman ko na nag-ibang bansa si Wynelle ng tatlong taon at doon nagtrabaho bilang isang Architect"

"I'm sorry Wynelle ,kailangan niyang malaman kong nasaan kana", pagpapaumanhin ni Tiffany sa kanyang isipan dahil sa nagawa niyang magsabi kong nasaan na si Wynelle.

Naaawa si Tiffany sa nangyari ng kanyang pinsan sa loob ng limang taon, lalo na ng nalaman ni Aaron na hindi niya anak si Margaux Christine, ang anak ni Marga.

Labis ang sakit at lungkot ang nararamdaman ni Aaron ng ilang taon.

Sobrang laki na ng pinagbago nito lalo na sa pisikal nitong anyo. Mas lalong siyang naging matured lalo ng kanyang itsura at nagiging dark green ang mga mata nito. Humaba din ang kanyang buhok hanggang leeg na mas lalong nagpapagwapo ng kanyang mukha.

"Nag ibang bansa si Ate Wynelle?!",bahagyang nagulat din si Spade,napatango na lamang si Tiffany.

"Francisco know where's Wynelle",mariing wika ni Aaron.

"Uy! wag mong idamay ang asawa ko. Matagal ng pinutol ni Wynelle ang ugnayan nila ng asawa ko",nakangusong sambit ng buntis na si Tiffany, nagsinungaling siya baka mabuking siya ng pinsan niya.

"Tsk!",asik ni Aaron.

"Bro I have something to tell you",pag-iiba ni Blade sa usapan.

"Hindi umalis sa bansa ang grupo ni Diosdado Corpuz, nagtatago lang sila sa tagong lugar kung saan hindi siya kilala ng mga tao.",pagbabalita ni Blade.

Apat na taon na nilang hinahanap ang grupo ni Corpuz matapos nilang itong mapabagsak ang  kompanya nito. At matapos makompirma na nagtransaksyon sila ng mga droga at mga armas. Wanted na ang grupo ni Diosdado Corpuz  sa bansa at nagtatago na ito sa probinsya.

"I have this feeling that they are near to us.",dugtong pa ni Blade.

"We need to becareful"

"I have an information about Mario Linares", pagsingit ni Von sa usapan, may jetlag pa ito dahil kakagaling niya lang galing Thailand.

"He's in Thailand, I saw him in Bangkok. Kaya sinundan ko siya, balita ko patago siyang uuwi dito sa pinas next month"

Matagal na din nilang hinahanap si Mario Linares dahil nalaman nila ang masamang balak nito sa paggamit ng anak nitong si Marga para makuha ang sarili nitong kagustuhan. At doon din nila nalaman na hindi anak ni Aaron si Margaux ang anak ni Marga dahil si Christian Herdandez ang totoo nitong ama.

Nasa pangangalaga ni Aaron ang pamilya ni Marga para narin sa kaligtasan nito. Si Marco ang patuloy na nagpapatakbo ng kompanya ng nga Linares sa ngayon.

Nalaman din nila Aaron na magkasabwat sina Mario Linares at Diosdado Corpuz sa illegal nitong gawain. Pareho din itong may kinalaman din sa balak na pagpatay kay Aaron dati.

Namayani ang katahimikan sa kanilang lima.

"Diba ate Tiff nandito na sa Pilipinas si Ate Wynelle, alam mo ba kong nasaan siya ngayon nakatira?",biglang tanong ni Spade kay Tiffany na muntik ng mabilaukan sa iniinom nitong gatas.

"Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, aalamin ko pa yun",pagsisinungaling ulit ni Tiffany,hindi niya sinabi ang lahat ng balita tungkol kay Wynelle lalo na sa  mga anak nitong kambal. Naalala ni Tiffany si Wayne dahil magkahawig ang mukha nito sa ama,maliban sa hazel eyes ng bata na namana mula kay Wynelle.

"Alamin mo sa lalong madaling panahon,miss na miss na ni Aaron si baby Wynelle niya",nakangising sambit ni Spade na siyang nabatukan ni Tiffany.

"Aaw"

"Minamadali mo ako?baliw ka ba ayoko mastress kami ng baby ko",nakasamangot na turan ni Tiffany kay Spade.

"Oo na"

"Ate, diba sabi mo nagpapagawa ka ng bahay sa Tagaytay para sa magiging baby mo?",biglang tanong ni Von kay Tiffany.

"Oo bakit?"

"Sinong kukunin mong Engineer?",tanong ulit ni Von kay Tiffany.

"Yung asawa ko at may kinuha siyang architect mula sa America,ka workmate niya"

"Babae o lalaki?",tanong naman ni Spade kay Tiffany.

"Babae, why?",nagtakang tanong ni Tiffany, tahimik lang na sumimsim ng alak sina Blade at Aaron habang nakikinig sa usapan nila.

"Maganda ba?",tanong naman ni Von.

"Oo", Malamang si Wynelle yun. Sabi ni Tiffany.

"Baka ipagpalit ng asawa mo dun",pang aasar ni Spade kaya napatawa si Tiffany sa sinabi nito.

"Hahahaha never akong ipagpalit ng asawa ko, at may mga anak na ang architect na yun",nakangising sambit ni Tiffany at tiningnan saglit ang pinsan nito na may malalim na iniisip.

"Ohhhh",sabay na napa 'oh' sina Von at Spade.

"Guys I need to go my wife need me",tumayo si Blade at nagpaalam na na umuwi dahil nagmimiss na ito ang mag-ina niya lalo na sa buntis nitong asawang si Marielle.

Sa kanilang limang magkakaibigan, sina Tiffany,Spade at Blade ang merong happy life. At nananatiling broken sina Von at Aaron.

"Sige pre, ikumusta mo nalang kami sa asawa mo",ani Von.

Tumayo na din si Spade matapos nitong ibinulsa ang cellphone nito matapos mag text ang asawa nitong si Chrysler.

"Ako din uuwi na din ako,hinahanap nako ni Misis",paalam ni Spade sa mga kaibigan nito.

"Sus,porket buntis ulit si Chrysler ng pangalawa niyong anak",natatawang sambit ni Tiffany.

❦︎❦︎❦︎

Wynelle's POV

"Mommy where's daddy?",nagulat ako ng biglang tinanong ito ng anak kong si Hera habang sinusuklayan ko ang buhok niya,habang nasa tabi ko naman si Wayne na tahimik na nakikinig samin.

"Nasa malayong lugar ang daddy niyo mga anak, nagtatrabaho",pagsisinungaling ko.

"We're rich naman po,hindi na nya pwo kailangan mag work"

"Wayne lika nga dito",agad namang lumapit sakin si Wayne at pumagitna ako sa kambal.

"Mga anak kailangan mag work ang daddy niyo para sa future niyo."

"Aww"

"When pwo namwin  siya makikita?",tanong ulit sakin ni Hera

"Someday anak",sorry anak kong nagsinungaling si mommy. Siguro may pamilya na ang daddy niyo at hindi pa ako handa para sabihin sakanya tungkol sainyo.

"Tulog na kayo mga babies ko,higa na"

"Good night mommy love you",Hera kisses my cheeks.

"Good night mommy",Wayne kisses my cheeks too and I kissed their forehead.

"Good night babies,Sleepwwell"

-----------------------------------------------------------

Last 6 chapters nalang bago mag epilogue.

Don't forget to vote Maebies! muah!❣︎

One Night Stand With My BrotherWhere stories live. Discover now