Third Person POV
"I'm sorry cous hindi namin mahanap si Wynelle at hindi rin namin ma track kong nasaan na siya ngayon",malungkot na balita ni Tiffany sa kanyang pinsan.
'Patawad pinsan hindi ko pwedeng sabihin sayo kung nasaan si Wynelle',nasa isip ni Tiffany.
Kasalukuyan silang nasa hideout ng Dark Elite Society. Dahil may pinag-uusapan sila ng mga mahahalagang bagay.
"Wynelle is gone bro",malungkot na ani Blade.
"No, you still need to find her",pagmamatigas ni Aaron. Hindi siya susuko hangga't hindi niya makikita ang babaeng mahal niya.
"May impormasyon na ako sa pagpapaimbestiga sa mag-asawang pinatay ni Monica Linares",pagbabasag ni Von sa katahimikan.
"Base sa sinabi sakin ng private investigator, na ang mag-asawang pinatay ni Monica Linares ay sina Leandro Lacsama at Weena Linares ang mga magulang ni Wynelle"seryosong saad ni Von at napakuyom ng kamao si Aaron sa sinabi ni Von at mas lalo siyang nagkaroon ng interes dahil gusto niyang ipaghigante at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ni Wynelle.
Lahat sila nagulat sa sinabi ni Von.
"Sinabi sakin ni Fracisco na anak daw ang ina ni Wynelle ng isang sikat na negosyante", ani Tiffany.
"Totoo yun, si Weena Linares,siya nag layas na anak ni Donya Trinidad Linares at magkapatid sa ama sina Weena Linares at Mario Linares. Dating magkaibigan sina Monica at Weena, ngunit nagbago ang lahat ng ito ng nalaman ni Monica na ang lalaking pinakamamahal niya ay may gusto sa kaibigan niyang si Weena. Nilagyan ni Monica Linares ng bomba ang traditional jeepney na ginamit ng mag-asawa, at pinalabas nila ito na nabangga at may nasira sa parte ng sasakyan.",mahabang litanya ni Von.
"Kawawa pala si Ate Wynelle dahil maagang nawala sakanya ang mga magulang niya at pinatay pa.",malungkot na saad ni Spade.
"Meron ka pabang nalalaman?",malamig na tanong ni Aaron.
"Oo tungkol kay Mario Linares"
"What's about him?",tanong ni Blade sa kaibigan.
"Si Mario Linares ay ipinagkasundo lang kay Monica Linares at siya din ang dahilan kong bakit itinakwil ang ina ni Wynelle ng kanilang ama. Tumututol ang lolo ni Wynelle sa pag-iibigan ng mga magulang niya.",lintanya ni Von.
"How about the drugs,what Monica told ?",tanong ulit ni Aaron. Tahimik lang na nakikinig sina Tiffany at Spade sa imbestigasyon.
"Nagmamay-ari si Diosdado Corpuz ng Toy Industry kung saan nanggaling ang teddy na tinutukoy ni Monica Linares, they exporting drugs and weapons to the other mafias in Underground World", lintanya ni Blade sa nalalaman niya.
"Illegal ang mga ginagawa nila at hindi rin sila sumusunod sa batas ng U.W, hindi rin sila dumaan sa black market."dagdag pa nito.
"Ikaw na bahala kanila, do want you can para mahuli at makulong sila",utos ni Aaron kay Blade.
"And you Von continue about the investigation",utos ni Aaron kay Von.
❦︎❦︎❦︎
Someone POV
Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha ng pinakamamahal kong asawa na mahimbing na natutulog.
"Kumukhang-kamukha ka talaga ng anak mo mahal kong Weella",bulong ko at hinalikan siya sa noo.
Akala nila na patay kana pero nagkakamali sila, ibang babae ang kasama ng asawa mo sa pagsabog dahil naligtas ka namin ng mga tauhan ko.
❦︎❦︎❦︎
Three months after...
Wynelle POV
Kakagaling ko lang magpa OB kanina at masaya ako sa nalaman ko na kambal ang magiging anak ko.Hindi ko na inalam kong anong gender ng mga babies ko para exciting sa paglabas nila. I am five months pregnant sa kambal at may umbok na din ang tyan ko ilang buwan nalang ang aantayin ko, masisilayan ko na ang mga anghel ko.
Kasalukuyan akong nandito sa mall para bumili ng mga gamit ng baby hindi na nakakasama sakin si Marielle dahi malaki na ang kanyang tyan madali na siyang mapagod. She's seven months pregnant at si Kalen ang laging nag aasikaso samin minsan pag may oras siya.
Pinili kong mga gamit ng bata ay pangbabae at panlalaki hindi ko kase alam kong anong gender ng kambal mas mabuti narin yun para handa ako.
Nakaagaw ng pansin ko ay isang cute na pink dress ng baby,agad ko itong kinuha at nakangiti akong pinagmasdan ito sana babae ang isa sa kambal para maisuot ko ito sakanya.
Kumuha din ako ng maraming set ng pangkambal na babae at lalaki. Iniisip ko palang na sinuot ito ng kambal,bagay na bagay ito sakanila.
Masaya akong lumabas sa store ng pinagbilhan ko ng mga gamit ng baby,pinahatid ko nalang ito sa bahay para hindi na ako mahirap sa pagdala ng mga gamit.
Agad akong nagtago at tinakpan ang mukha ko ng makita ko si Tiffany kasama siya at mga kaibigan niya at nagtagpo ang mga paningin namin ni Tiffany. May sinabi si Tiffany sa mga kasama niya at pumunta siya sa gawi ko.
"Anong ginagawa mo dito?",nag-aalalang tanong niya sakin at lumingon muna siya sa gawi nila Aaron na palabas na sa mall.
"Bumili ako ng damit ng kambal"
"K-Kambal?! Kambal ang anak mo?",gulat ang rumihistro sa kanyang mukha at tumango ako.
"Oo"
"Yiee anong gender nila?",excited na tanong niya sakin.
"No gender reveal, hindi ko inalam"
Napasimangot siya sa sinabi ko.
"Ikaw anong ginagawa mo dito? bakit kasama mo sila?",tanong ko sakanya.
"Bumili lang kami ng lulutuin namin mamayang gabi, sa beach house kami ni Von tumambay at birthday niya din nandoon din si Francisco. Gusto mong sumama?",pagbibiro niya kaya nahampas ko siya sa braso.
"Baliw"
"Hahaha mamaya tatakas kami ni Francisco para dalawin kayo ni Marielle"
After 3 months...
"Kiko dalian mo manganganak na si Marielle!",natatarantang sabi ko.
"Ahhhhh! di ko na kayaaa!"sigaw ni Marielle habang napahawak siya sa tyan niya at inalalayan ni Kalen.
Nasa passenger seat sila at katabi ko si Kiko na magbilis na nagmamaneho papuntang hospital natataranta na din siya tulad ko.
Nang makarating kami sa hospital agad na binuhat ni Kalen si Marielle papasok at hiniga ito sa stretcher habang ako ay inalalayan ni Kiko na maglakad para sundan sila Kalen.
After ng ilang minuto na delivery ni Marielle, ligtas niyang naipanganak ang anak niyang babae na si Arielle Blaze, ang cute ng anak niya at namana ni Baby Arielle ang mata,ilong,pilik mata kay Blade at rest kay Marielle na. Mas lamang parin ang pagkahawig ng baby sa ama nito.
"Next month ikaw naman ang susunod na manganganak",inakbayan pa ako ni Kiko.
"Kaya nga e excited na din akong makita ang kambal",nakangiting sambit ko habang hinihimas ang malaki kong tyan.
-----------------------------------------------------------
Don't forget to vote Maebies!❣︎
YOU ARE READING
One Night Stand With My Brother
RomansaWynelle Rose Lacsama, a girl who had a one night stand with her brother Aaron,it is a big mistake for her. She doesn't know that her younger brother didn't treated her as an older sister but treated her as his woman that he love. Wynelle had a lot...