Mag-isa akong kumain ng blueberry cake habang hinihintay si Kiko. Kanina pa ako umiiyak at hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko nasasaktan ako,sumasakit ang dibdib ko.
Mukha tuloy akong baliw sa ginagawa ko, umiiyak habang kumakain ng cake habang naka tanaw sa dagat.
"Anong nangyari sayo bakit ka umiiyak?", umupo sa tabi ko si Kiko na kakarating lang at naka tingin sakin.
"Wala, sumasakit lang ang dito ko", tinuro ko ang puso ko at patuloy lang sa pagkain.
"Teka broken kaba?"
Umiling ako.
"Hindi ko alam",pinusan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko.
"In love ka siguro kaya ka mukhang broken hearted", nagpipigil tawa siyang naka tingin sakin.
"Pano ako maiinlove e wala naman akong jowa", nakangusong sambit ko.
"HAHAHAHAHA kawawa, hindi ba't nililigawan ka ni Marco?",nakabungisngis siyang naka tingin sakin. Alam kase niya na manliligaw ko si Marco.
"Hindi na siya nanliligaw sakin",nakangusong turan ko kaya mas lalo siyang tumawa.
"HAHAHAHAH kawawa, siya ba iniiyakan mo?", napakagat labi siya dahil nagpipigil tawa nanaman.
Napailing ako sa sinasabi niya
"Sino?"
"Aish! Basta" nakasimangot ako at pinagpatuloy ang pagkain ko ng cake.
"Kawawa naman tong kababata ko mukhang magiging matandang dalaga na yata minamalas sa love life".
Hinampas ko siya sa braso dahil sa pang-aasar niya.
"Awww HAHAHAHAH biro lang"tawang-tawa siyang nakatingin sakin habang nakahawak sa kanang braso niya na nahampas ko.
Sinamaan ko siya ng tingin nangigigil ako sa kanya sarap niyang tusukin ng tinidor na hawak ko.
"Tama na nga yang pag-iyak mo mukha ka tuloy baliw na kumakain habang umiiyak, birthday na birthday mo tapos umiiyak ka",kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang luha ko.
Ganito siya sakin pag nakikita niya akong umiiyak. Aasarin ako para lang pagaanin ang loob ko, pinapatahan at pinupunasan niya ang luha ko.
"Kain", sinubuan ko siya ng cake habang pinupunasan niya ako.
"Salamat", ningitian ko siya at sinubuan siya ulit ng cake.
"Tama na,may ipapakita ako sayo"
"Pano tong cake?"
"Ibigay natin sa mga bata", tinawag niya ang limang mga bata na nangangalkal sa basura at pinalapit ito sa akin.
"Para sainyo", nakangiti akong binigay sakanila ang cake at matamis silang ngumiti sakin.
"Thank you po ate", sabay nilang pagpapasalamat.
"Walang anuman"
"Ibigay mo din sakanila ang balloons"akmang kukunin niya sana ang balloons na hawak ko nilayo ko ito.
"Akin to!"
"HAHAHAHAH kelan kapa nagiging isip bata?"tinatawanan niya ako.
"Basta akin to!" ,nakasimangot na wika ko.
Bigla niyang kinuha ang balloons na hawak ko at ipinamigay sa mga bata.Tiningnan ko siya ng masama.
"Woah chill bibilhan kita ng mas madami pa dyan, tara na",hinila niya ako,hindi ko alam kong saan kami pupunta hanggang sa nakarating kami sa gilid ng kalsada at sa tapat ng isang red na porsche.
YOU ARE READING
One Night Stand With My Brother
RomansaWynelle Rose Lacsama, a girl who had a one night stand with her brother Aaron,it is a big mistake for her. She doesn't know that her younger brother didn't treated her as an older sister but treated her as his woman that he love. Wynelle had a lot...