Chapter 4 : Flashback

7.9K 198 37
                                    

Third Person POV

Paakyat na sana sa kanyang kwarto ang batang lalaki na si  Aaron nang marinig niya ang pinag-uusapan ng personal assistant niya na si Monica sa taong kausap nito sa telepono.

"Papatayin ko na ba ang anak ni Mr. Lawrence Sternberg?", nakangising sabi ng P.A. ng batang si Aaron.

Wala kase ang kanyang mga magulang dahil nasa business trip ang mga ito.

"Ako na ang bahala kong paano mawala sa mundo ang batang iyon",nakangising sabi ng Personal assistant.

"Sasabihin kong kinuha ang anak nila ng mga taong gustong patayin si Aaron"

Madami ang mga naging kalaban ang ama ng bata na si Aaron sa negosyo dahil pinaka nangunguna sa bansa ang kanilang kompanya na Sternberg Corporation.

Madami na ding gustong patayin ang batang tagapagmana na si Aaron para lang malugi ang kanilang kompanya dahil ang batang si Aaron ang kahinaan ng kanyang ama.

"Sige darling ako na ang bahala sa batang 'yun"

Umakyat kaagad ang batang lalaki pagkatapos niyang marinig ang lahat ng sinabi ng personal assistant niya.

Nasaktan siya dahil ang tinuring niyang pangalawang ina ay gusto siya nitong patayin.

Kumuha ng bag ang bata na si Aaron at naglagay ng ilang mga damit at importanteng mga gamit niya.

At sumulat din siya ng sulat sa mga kaibigan niya na sina Blade,Spade, at Von gamit ang ibang lengwahe na silang apat lang ang nakakaalam at nakakaintindi.

One Night Stand With My BrotherWhere stories live. Discover now