Chapter 30 : Wynelle at Danger

4.5K 145 17
                                    

Warning: This chapter contains sensitive part,it is not suitable for young audiences. Read at your own risk.
—Maelicious16

Kiko's POV

"Mahal na mahal mo talaga ang kababata mo noh?", tanong sakin ni Tiffany my bunchbunny na nagmamaneho, we currently heading to the abandoned mansion where Rosas located.

"Oo,espesyal siya sakin. Dahil siya yung laging nasa tabi ko sa tuwing binubogbog ako ng walang kwenta kong tatay noon."

"Bakit hindi nalang naging kayo?", nakangising tanong niya.

Ito nanaman po tayo binibigyan nanaman niya ng something samin ni Rosas kaya isa din sa dahilan kong bakit kami naghiwalay.

"Para ng magkapatid ang turingan namin sa isa't isa, at malabong maging kami", tinukod ko ang kanang braso ko sa bintana at pinagmasdan ang magandang mukha ng bunchbunny ko.

"Hindi kaba nag kakainteres sakanya or crush manlang?", nakangising tanong niya habang patuloy lang sa pagmamaneho.

"Hindi, wala sa isip ko ang magkagusto sakanya, para na akong kuya niya."

"Sa pag kakaalam ko hindi basta-bastang babae si Tita Weena ang nanay ni Wynelle", dugtong ko pa sa sinabi ko.

"What do you mean?", kunot-noong tanong niya.

"Narinig ko sa usapan ng mga mama namin dati na anak si Tita Weena ng isang maimpluwensyang pamilya at negosyante sa bansa", lintanya ko.

"Anong apilyedo ng mama ni Wynelle?"

"Hindi ko alam si Rosas lang ang nakakaalam"

Tumango-tango lang siya habang nasa saan ang tingin niya.

"Bunchbunny I miss you"

Nakangusong sambit ko habang nakatingin sakanya na umiwas ng tingin, alam kong kinikilig siya. I really miss her my bunchbunny.

"Tch! Malapit na tayo maghanda kana"

Wynelle's POV

Nagising ako nang may malamig na tubig na bumuhos sakin.

Idinilat ko ang mga mata ko medyo malabo ang paningin ko.

"Sa wakas nagising kana din"

"Nasaan ako?!"

Pinipilit kong pumiglas sa kadena na nakalagay sa mga pulso ko. Anong kailangan nila sakin?!

"Nandito ka sa abandonadong mansion, Wynelle"

Hindi ko maaninag ang kanyang mukhang dahil na sa madilim na parte  siya naka tayo kasama ang anim na mga armadong lalaki sa likod niya at tanging ilaw  na nakatapat sakin ang ilaw na nandito sa kwartong ito.

Bigla akong natakot dahil kinikilabutan talaga ako sakanila.

"Anong kailangan niyo sakin?!Bakit kilala mo ako?!tulong!", sigaw ko.

"HAHAHA kahit sumigaw kapa Wynelle walang makakarinig sayo dito", demonyong halakhak niya.

"Sino ka?! Bakit moko kilala?!"

Naglakad siya papunta sa gawi ko at yumuko sa harap ko.

"Drake?!" , siya ang dating manliligaw ko na baliw na baliw sakin bago si Marco.

"Ako nga my dear Wynelle", nakangising sambit niya at hinaplos ang pisnge ko kaya itinabingi ko ang mukha ko sa kanya.

"Ang ganda mo parin mahal ko",hinawakan niya ako sa panga at hinarap sakanya.

One Night Stand With My BrotherWhere stories live. Discover now