Chapter 21: Dinner

4.9K 129 8
                                    

"Kailan ka dadating dito?", tanong ko kay Kiko sa skype.

"Sa 14, sa susunod na sabado ng umaga", sabi niya habang kumakain ng noodles, natatakam tuloy ako.

"Huwag mong kakalimutan ang pasalubong ko, birthday ko na sa 16"

"Oo nga pala malapit na birthday mo,huwag kang mag-alala madami kang pasalubong sa'kin", nakangising sabi niya at patuloy lang sa pagkain.

"Aasahan ko yan Kiko ha", I smile to him.

"Mukbang tayo?" yaya niya sa'kin at nilapag niya sa table ang kanyang cup noddles.

"Sige, antayin moko magluluto lang ako ng pagkain ko",sabi ko at naglakad na papunta sa kusina dala ang laptop ko.

"Mag luluto din ako,dadagdagan ko lang ang pagkain ko", tumayo siya at naglakad palabas ng kanyang kwarto at pumunta sa kusina, ang ganda talaga ng bahay niya.

Nag house tour siya kahapon at nakita ko na ulit si tita Lucia ang mama niya. Nag condo tour din ako kahapon,at inaasar niya pa nga ako na sa kabilang kwarto siya matutulog pag nandito na siya sa bansa.

Tinapat namin pareho ang mga laptop namin kung saan makikita ang aming  mga lulutuin.

Nagluto ako ng spicy battered shrimp, pancit canton, fried rice at omelet. Si Kiko naman ay nagluto ng paborito niyang tortang talong, tocino, at beef loaf.

After kong magluto hinanda ko na ang mga pagkain ko sa mesa at kumuha narin ako ng fresh milk at tubig.

" I'm done",pag-anunsyo ko at tinapos na niya din ang paghahanda niya.

"I'm done too", wika niya at umupo na.

"Let's eat!", excited sabi ko, nagugutom na kase ako.

Sa gabi lang kami nakapag skype ni Kiko pag may oras siya sa kanila sa umaga.

***

"Himala ah wala ng scarf sa leeg", nakangising wika ni Kyline nang magkalapit na kami ni Christian sakanya.

"Masama bang walang scarf sa leeg?", napairap na turan ni Christian at umupo na sa tabi ko.

"Hindi, diba hindi kompleto araw mo pag wala kang scarf sa leeg. Siguro straight kana no?", pang-aasar ni Kyline kay Christian na namumula na. Para may kakaiba na nangyari sa kaibigan namin, nawala na ang maarte nitong mga salita.

"Masama bang magbago?", namumulang wika ni Christian.

"Omyghad! Lalaki na kaibigan natin!", kunwaring nabibiglang usal ni Kyline.

"In love ka siguro no?", nakangising tanong ko kay Christian at tumingin sakanya.

"H-hindi", umiwas siya ng tingin at namumula.

Sa tingin ko may gusto si Christian kay Miss Marga sa bawat tingin palang ni Christian kay Miss Marga may nakikita talaga akong kinang sa mga mata niya.

"Sus maniwala in love kalang e" pang-aasar ni Kyline kay Christian.

"Hindi nga, mag order na nga tayo", pag-iiba niya ng usapan at tumayo na para bumili ng pagkain.

***

"Thank you sa paghatid", nakangiting pasasalamat ko kay Marco, hinatid niya ako pauwi.

"You're welcome", ngumiti din siya sa'kin.

"Ingat ka sa byahe", hinalikan ko siya sa pisnge at mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

One Night Stand With My BrotherWhere stories live. Discover now