Chapter 33 : Leaving

4.5K 159 8
                                    

Pagkalipas ng dalawang araw, na discharge na ako mula sa pagkahospital at may bakas parin ng maliliit na pasa sa mukha ko dahil sa ginawa sakin ni Drake.

Maaga akong pumasok para magpasa ng resignation letter kay Marco.

"Are you sure that you're resigning?",malungkot na tanong sakin ni Marco at malungkot din akong tumango.

"Oo, gusto ko kasing tuparin ang pangarap ko na maging architect",isa din sa plano ko ang tuparin ang pangarap ko kasabay sa pagpapalaki ng anak ko kaya gusto kong umalis.

"Haist, dapat pala ikaw ang gagawa ng bahay ko for the future",he lighten up our mood.

"Sure, pwede mokong kunin if you want. Malakas ka sakin",natatawang kinindatan ko siya.

"Aasahan ko yan"

Niyakap ko si Marco ng mahigpit para sa huling sandali.

"Mamimiss kita Marcolouis"

"Mamimiss din kita Wynelle"

"Pano ba yan kailangan ko ng umalis",ngumiti ako sakanya kahit na nalulungkot ako.

"See you, soon to be an Architect Lacsama"

Si Kyline na ang papalit sakin bilang secretary ni Marco. At umiiyak pa si Kyline dahil sa pag-alis ako at mag-isa nalang  siya dahil wala na kami ni Christian sa kompanya.

Dumaan muna ako sa Tres Marias bakeshop para bumili ng masarap na tinapay at nagbabaka-sakali din na makikita ko  si Lola Trinidad.

"Good morning Ma'am, Welcome to Tres Marias Bakeshop",masayang bati sakin ng staff at ngumiti ako sakanya pabalik saka pumasok at naglakad papunta sa counter.

"Nandito po ba ang may-ari ng bakeshop na ito?",tanong ko sa cashier.

"Nasa kitchen po maam nagbabake"

"Pwede po bang pumasok doon?",tanong ko ulit sakanya.

"Saglit lang ma'am"

Tinawag ng cashier ang isang taga bantay at inutusan niya itong pumasok sa kitchen. Lumabas din kalaunan.

"Pwede na po kayong pumasok ma'am"

"Salamat"

Nang makapasok ako bumungad sakin ang mga naglalakihang oven, ang ganda dito malinis at maayos tingnan at nakabukod pa ang mga taga luto sa iba't ibang uri ng tinapay at cakes.

Nakita ko si Lola Trinidad na nagba-bake ng cake at agad akong lumapit sakanya.

"Hi Lola", bati ko sakanya.

"Ikaw pala yan ija",pinunasan niya ang kamay niya saka ako hinalikan sa pisnge.

"Anong flavor ng cake na gawa mo lola?",tanong ko sakanya na naghahalo ng mga sangkap.

"Leche Flan ija,ito ang best seller ng cake namin",nakangiting litanya niya habang nilagay na sa cake pan ang kanyan ginawa.

"Talaga po?Alam niyo lola paborito po ni Mama ang leche flan cake"

"Ganon ba? Paborito din ito ng anak ko",nilagay na niya sa oven ang kanyang ginawa.

"Sayang po hindi matitikman ng anak niyo ang gawa mo"

"Yes, uhmm gusto mo matuto kung pano lutuin ang Leche Flan Cake para na din maipagluto mo ng paboritong cake ng mama mo"

"Matagal na pong wala ang magulang ko pero sige turuan niyo po ako",ngumiti ako sakanya.

❦︎❦︎❦︎

Masaya akong umuwi sa condo ko dahil successful ang pag bake ko ng cake at naglunch din ako kasama si Lola Trinidad, sobrang gaan talaga ng loob ko sakanya.

One Night Stand With My BrotherWhere stories live. Discover now